KOM PAN LG4 Flashcards
Ang wika, pasalita man o pasulat, ay ang pinakamahalagang
anyo ng pagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng tao.
Instrumento ng Komunikasyon
Maraming kaalaman na maaaring ilipat sa ibang
mga caste at maaaring makinabang sa ibang mga caste dahil sa wika.
Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman
“Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya, Sa pagkadalisay at
pagkadakila, Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang Lupa “ mula kay Gat Andres Bonifacio na
nakakaantig ng damdamin bilang isang Pilipino. Winika rin ito sa pelikula tungkol sa kanyang
buhay. Marami pang malikhaing pahayag ang ating napakinggan sa mga kuwento o pelikula.
Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip
Ito ay tumutukoy sa papel na ginagampanan ng wika na ginagamit ng
mga tao sa pagtatatag at pagpapanatili ng mga panlipunang relasyon.
INTERAKSYONAL
Maaaring gamitin ito para humiling o magbigay ng utos. Halimbawa, kung
gusto mo ng trabaho, kailangan mong gumawa ng sulat, bukod sa iba pang mga bagay na
kailangan.
INSTRUMENTAL
Ang papel ng wikang ginagamit sa kontrol ay normatibo o idirekta ang mga
aksyon o pag-uugali ng iba. Ang pinakamagandang halimbawa nito ay ang magbigay direksyon,
paalala o babala.
REGULATORI