KOM PAN LG3 Flashcards
Ang tinatawag na unang wika ay tinatawag na mother tongue o katutubong wika. Ito
ang wikang paulit-ulit na naririnig, kaya ito ay natutunan at ginagamit sa paglipas ng mga taon
habang lumalaki ang bata.
Unang Wika
isang wikang natutunan. Ginagamit ang wikang ito sa
mga opisyal na pagpupulong ng pamahalaan.
Ikalawang wika
Ito ay ginagamit na wika ng isang tao kung saan masusuri ang kanyang
pagkakilanlan. Naipapahayag nito ang kanyang nasyonalismo at bansang
pinagmulan at antas sa lipunan kung saan siya kabilang.
Antas ng Wika
Dalawang Antas ng Wika
Pormal
Impormal
Ito ay isang pamantayang wika dahil ito ay kinikilala, tinatanggap, at ginagamit ng
nakararami, lalo na ng mga natuto ng wika.
Pormal
Ang mga ito ay karaniwang ginagamit na mga salita sa mga aklat-aralin sa wika/gramatika ng
lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang karaniwang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
Pambansa
Ang mga salita sa larangang ito ay pinag-isipang mabuti ng mga
dalubhasang manunulat
Pampanitikan o Panretorika
mga salita na binibigkas araw-araw. Madalas natin itong
ginagamit sa pakikipag-usap sa ating mga kaibigan o kakilala.
Impormal
Ito ay karaniwang tinutukoy bilang bokabularyo ng diyalekto. Ang mga wikang ito ay
ginagamit sa mga partikular na rehiyon na naninirahan dito mula noong kapanganakan.
Lalawiganin
mga pag-iiksi ng mga salita o grupo ng mga salita. Ito rin ay
mga impormal na salita na ginagamit natin sa pang araw-araw.
Kolokyal
mga salitang hindi pormal ngunit nagagamit sa pang-araw-araw na
panánalitâ. Karaniwa’y nililikhà ito sa pagbabaligtád ng mga titik, o pagiibang-anyô sa salitang ugát. Ito ay
isang mababang antas ng wika, ngunit mayroon ding mga diyalekto na nagmumungkahi ng mas mababang
antas.
Balbal