Kohesyong Gramatikal Flashcards
Ang mga mag-aaral ay nagbabasa ng aklat. Sila ay masayang natututo.
Anapora
Si Carmen ay naglalakad sa kalye ngunit siya ay nadapa
Anapora
Ito ay puno ng mga salaping kanyang inipon sa buong taon.
Katapora
Kumain ng tatlong pandesal si Beni at si Cardo nama’y dalawa
Elipsis
Nahulog at nasira ang cellphone ko kaya bumili ako ng bagong iPhone.
Pagpapalit
Ang taong may mabuting kalooban ay may takot sa Diyos. At ang Diyos ay hindi nakakalimot sataong may mabuting gawa.
Pag-uugnay
Namili si Lance ng inumin
at mga pagkain naman
kay Liz.
Elipsis
Namitas si Bea ng sampaguita. Ito’y ilalagay niya sa
kanilang altar.
Anapora
Si Blake ang unang nakarating sa paaralan at si Max
naman ang kasunod
Elipsis
Ito ay isang tanyag na pinta.
Ang Mona Lisa ay ipininta
ni Leonardo Da Vinci.
Katapora
Magluluto ako ng pananghalian at gagawa ng palamig
para sa aking pamilya.
Pag-uugnay
Nanibago sa panahon si
Krish. Tag-ulan at tag-lamig
na sa Pilipinas tuwing
Disyembre
Pagpapalit
Bibilhan ako ni nanay ng
kotse kapag masusungkit
ko ang unang gantimpala.
Pag-uugnay
Siya ay isang sikat na mangaawit. Si Sarah Geronimo
ay kilala na rin sa ibang
bansa.
Katapora
Si Jake ay pupunta ng Ayala
mall mamayang hapon. Siya
ay bibili ng regalo para sa
kanyang ina.
Anapora