Gamit ng Teknikal-Bokasyunal na sulatin Flashcards
Nagbibigay-ulat
Ang “nagbibigay-ulat” ay isa sa mga gamit ng teknikal-bokasyunal na sulatin. Mayroong teknikal-bokasyunal na sulatin upang magbigay ng kaalaman sa ibang tao o sa mga mambabasa. Ang halimbawa nito ay ang mga ulat ng mga produktong nailabas sa merkado o pamilihan. Ang mga balitang yun ay magbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa nito na may kinalaman sa bagong produkto.
Nagbibigay-instruksyon
Ang “nagbibigay-instruksiyon” ay isa sa mga gamit ng teknikal-bokasyunal na sulatin. Mayroong mga teknikal-bokasyunal na mga sulatin upang magbigay ng instruksiyon sa mga tao o mambabasa. Halimbawa, paraan at proseso sa pagbuo ng isang produkto tulad ng paggawa ng longganisa. Sa pamamagitan ng teknikal-bokasyunal na sulatin, mabibigyan natin ng gabay ang mga mambabasa hinggil sa kung paano ba gawin ang isang bagay.
Naghahain ng isang serbisyo o produkto
Ang “naghahain ng isang serbisyo o produkto” ay isa sa mga gamit ng taknikal-bokasyunal na sulatin. Dahil sa mga ganitong sulatin, natututo ang mga tao o mambabasa hinggil sa isang bagay na nagdudulot ng isang serbisyo o produkto sa nakabasa nito. Halimbawa na lamang ang paggawa ng layout ng tarpaulin, pagkukumpuni ng mga sirang computer, serbisyong ibinibigay ng salon (manicure, hairdressing, make-up, at iba pa)
Nagsisilbing basehan ng mga pagdedesisyon
Ang “Nagsisilbing basehan ng mga pagdedesisyon” ay isa sa mga gamit ng teknikal-bokasyunal na sulatin. Dahil sa ganitong uri ng sulatin, natutulungan nito ang mga mambabasa na gumawa ng desisyon base sa impormasyong inilalahad nito. Halimbawa, dahil sa sulatin na feasibility study ay makakapag desisyon ang isang negosyante kung magtatayo ba ito ng business sa lugar na ito na kung saan maaring nakalahad sa study na yun ang pag-aaral hinggil sa dami ng tao sa lugar na yun at ang percentage na tatangkilikin nila ang ganitong uri ng paninda.
Nagbibigay ng mga kinakailangang impormasyon
Ang “Nagbibigay ng mga kinakailangang impormasyon” ay isa sa mga gamit ng teknikal-bokasyunal na sulatin. Gumagawa tayo ng mga ganitong sulatin upang magbigay ng impormasyon sa mga mambabasa. Halimbawa, dahil sa isang pananaliksik, malalaman mo kung ano ba ang dapat na itindang produkto sa pagsisimula mo ng negosyo.