Filipino Flashcards
Ito ay isa sa mga kasangkapan ng tekstong deskriptibo na ang layunin ay makabuo ng malinaw na larawan sa imahinasyon ng mambabasa.
Masining
Basahin: “Ako ay may-alaga. Asong mataba, buntot ay mahaba, maamo ang mukha. Mahal niya ako, at mahal ko rin siya. Kaya kaming dalawa ay nagmamahalan na.” Sino
sa palagay mo ang naglalarawan sa aso?
Owner ng aso
Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian.
Resolusyon
Ito ang mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyon ng mga tauhan
Komplikasyon
Isang plot device na ipinaliwanag ni Horace sa kaniyang “Ars Poetica” kung saan nabibigyang- resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong interbensyon ng isang absolutong kamay
DEUX EX MACHINA
Nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento. Kadalasang ipinapakita ang mga karakter, lunan, at tensyon sa pamamagitan ng mga flashback.
IN MEDIAS RES
Nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.
REVERSE CHRONOLOGY
Isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay- linaw sa kuwento.
COMIC BOOK DEATH
Nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kuwento.
FORESHADOWING
Sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nagyayari.
DIYALOGO
Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting, at oras o panahon kung kailan nangyari ang kuwento.
Oryentasyon
Kailangang malinaw at lohikal ang kabuuang estruktura ng kuwento. Madalas na makikitang ginagamit na paraan ng narasyon ang iba’t ibang estilo ng pagkakasunod- sunod ng pangyayari
Estruktura
Ito ay nagsasalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Maaring ang salaysay ay personal na naranasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang.
Tekstong Naratibo
Layunin ng isang may akda sa pagsusulat ng tekstong ito ang paglalarawan ng mga detalyeng kanyang naranasan. Ito ay nagbibigay ng buong konseptong larawan na mabibiswal ng mga bagay-bagay, pook, tao o pangyayari.
Tekstong Deskriptibo
Ito ang tawag sa isang gawaing naglalayong manghikayat sa mga mambabasa o taga- pakinig.
Persuweysib
Ang uri na ito ng teksto ay may layuning kumbinsihin ang mga mambabasa na
sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu. Anong uri ng teksto ang tinutukoy?
Persuweysib
Ang uri na ito ng teksto ay nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang kanyang posisyon sa isang tiyak na paksa na may paggamit ng mga ebidensiya. Anong uri ng teksto ang tinutukoy?
Argumentatibo
Ang uri na ito ng teksto ay nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paano Isasagawa ang isang tiyak na bagay. Anong uri ng teksto ang tinutukoy?
Prosidyural
Ang uri na ito ng teksto ay may layuning makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon at impormasyon sa mga tao upang matagumpay na maisagawa ang isang gawain. Anong uri ng teksto ang tinutukoy?
Prosidyural