Batayang Simulain ng Mahusay na Sulating Teknikal-Bokasyunal Flashcards
Pag-unawa sa mambabasa
Ang pag-unawa sa mambabasa ay isa sa mga batayang simulain ng mahusay na sulating teknikal-bokasyunal. Dapat na bago tayo magsimula ng ating sulatin, alam nating mabuti ang mga pangangailangan ng mga mambabasa upang ang magawa nating sulatin ay tutulong sa kanila at magagamit nila.
Pag-alam sa layunin ng bawat artikulo o ulat
Ang “Pag-alam sa layunin ng bawat artikulo o ulat” ay isa sa mga batayang simulain ng mahusay na sulating teknikal-bokasyunal. Dapat na alam nating mabuti ang layunin ng gagawing artikulo o ulat sapagkat ang mga teknikal-bokasyunal na sulatin ay naglalaman ng maraming impormasyon, kung alam natin ang layunin ng gagawing sulatin, maaring maiwasan nito ang kalituhan sa mga mambabasa at maipaliwang ang iba’t ibang paksa sa kanila.
Pag-alam sa paksang-aralin
Ang “Pag-alam sa paksang-aralin” ay isa sa mga batayang simulain ng mahusay na sulating teknikal-bokasyunal. Dapat na bago tayo magsimula ng ating sulatin ay alam nating mabuti ang paksang ating tatalakayin upang maiwasang makapagbigay ng maling impormasyon sa mga mambabasa.
Obhetibong pagsulat
Ang “Obhetibong pagsulat” ay isa sa mga batayang simulain ng mahusay na sulating teknikal-bokasyunal. Nakasaad dito na ang isang mahusay na sulating teknikal-bokasyunal ay naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-aralin sa malinaw, obhetibo, tumpak, at di-emosyonal na paraan.
Paggamit ng tamang estruktura
Ang “Paggamit ng tamang estruktura” ay isa sa mga batayang simulain ng mahusay na sulating teknikal-bokasyunal. Ang isang mahusay na sulating teknikal-bokasyunal ay dapat gumagamit ng deskripsiyong mekanismo, deskripsyon ng proseso, klaripikasyon, sanhi at bunga, paghahambing at pagkakaiba, analohiya at interpretasyon. Gumagamit din ito ng mga tekikal na bokabularyo maliban pa sa mga talahanayan, grap, at mga bilang upang matiyak at masuportahan ang talakay tekswal.
Paggamit ng etikal na pamantayan
Ang “Paggamit ng etikal na pamantayan” ay isa sa mga batayang simulain ng mahusay na sulating teknikal-bokasyunal. mahalaga na ang bawat hakbang ay mailarawan nang malinaw, maunawaan at kumpleto ang ibinibigay na impormasyon. Dagdag pa rito, mahalaga rin ang katumpakan, walang kamaliang gramatikal gayundin sa bantas at may angkop na pamantayang kayarian.