Filipino Week 1-2 Flashcards
diyosa ng apoy at bulkan
Pele
diyosa ng tubig
Namaka
diyosa ng makalumang kalupaan
Haumea
diyos ng kalangitan
Kane Milohai
diyosa ng hula at ng mga mananayaw
Hi’iaka
isang mortal at matalik na kaibigan ni Hi’iaka.
Hopoe
kapatid ni Pele na may kakayahang ibalik ang kaluluwa ng namatay sa pamamagitan ng pagkuha nito mula sa kailaliman ng lupa
Kane-milo
bagong kasintahan ni Pele na lihim na inibig ni Hi’iaka.
Lohi’au
Dahil sa labis na pagkainis kina Pele at Hi’iaka
na lagi na lamang silang binibigyan ng atensyon ng mga tao, gumawa sila ng paraan upang mapaalis ang pamilya ng dalawa sa kanilang isla.
Apat na diyosang nyebe
ang lalaking kinahumalingan ni Pele.
Ohi’a
ang asawa ni Ohi’a.
Le hua
– Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa paksa o simuno
ng pangungusap. Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng
pandiwa
Pandiwa
– Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap
at sumasagot sa tanong na “sino?”
– (mag-, um-, mang-, ma-, maka-, makapag-, maki-, magpa- )
Hal. Si Aphrodite ay tumugon sa panalangin ni Pygmalion
Tagaganap o Aktor
Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap;sumasagot sa tanong na “ano?”.
(-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an)
Layon O Gol
– Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot
sa tanong na “para kanino?”
– (i-, in , ipang-, ipag-)
Hal.
Ipinagdala nina Pygmalion ng mga alay si Aphrodite.
(Ang naka underline ang pinaglalaanan)
Pinaglalaanan/Tagaganap
– Sa pangungusap, ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang
maisagawa ang kilos ng pandiwa. Ito ay sumasagot sa tanong na “sa
pamamagitan ng ano?”
– (ipang-, maipang-)
Hal.
Ipinanggamit ni Pygmalion ang paet at martilyo sa pag-ukit ng estatwa.
(Ang naka underline ang kagamitan)
Kagamitan
Thane ng Glamis -> Thane ng Cawdor -> naging bagong hari
ng Scotland; pumatay kay Haring Duncan sa kagustuhan ng kanyang
asawa
Macbeth
Isang heneral at kaibigan ni Macbeth, na sa bandang huli ay
pinatay ni Macbeth
Banquo
May nakakatakot na itsura ang mga nilalang na tila
mga bruhang hindi nagmula sa daigdig ng mga tao. Ayon sa kanila, si
Macbeth ay magiging Thane ng Cawdor at magiging hari balang-araw,
habang sa lahi ni Banquo magmumula ang tagapagmana ng korona
Mga manghuhula
Kasalukuyang hari ng Scotland na nagsabing nais niyang maghapunan at magpalipas ng gabi sa kastilyo ni Macbeth
Haring duncan
Asawa ni Macbeth na nag-udyok sa kanya na patayin si Haring Duncan at siya rin ang nagplano ng lahat upang maging malinis
ang pagpatay
Lady Macbeth
Isang kabalyerong pinagkakatiwalaan ng hari na nakadiskubre sa bangkay at nagsuspetsa sa tunay na dahilan ng pagkamatay nito
Macduff
Anak ni Haring Duncan at tagapagmana ng kaharian; nakatatandang kapatid ni Donalbain
Malcolm
Nagluklok kay Macbeth sa trono, pero sa huli ay sinuportahan sina Macduff at Malcolm sa pagpatay kay Macbeth
Maharlikang scottish
Mga inutusan ni Macbeth upang patayin sina Banquo at Fleance
Mamatay tao
Anak ni Banquo na nakatakas mula sa balak na pagpatay sa kanila
Fleance