Filipino Flashcards
Sangay ng agham na nag-aaral ng wika at ang kabuuan nito.
Linggwistika
Sangay ng linggwistika na pinagtutuunan ang pinakamaliit na yunit ng tunog
Ponema
Sangay ng linggwistika na pinagtutuunan ang pinakamaliit na yunit ng salita
Morpema
Sangay ng linggwistika na pinagtutuunan ang pagbuo ng pangungusap
Sintaks
Sangay ng linggwistika na pinagtutuunan ang kahulugan ng salita
Semantika
Sangay ng linggwistika na pinagtutuunan ang grammar
Balarila
Sangay ng linggwistika na pinagtutuunan ang sining ng kaalaman sa pagpapahayag
Retorika
Sangay ng linggwistika na pinagtutuunan ang pag-aaral ng tunog
Ponolohiya
Sangay ng linggwistika na pinagtutuunan ang pag-aaral ng salita
Morpolohiya
Sangay ng linggwistika na pinagtutuunan ang praktikal na gamit ng wika
Pragmatiks
Sangay ng linggwistika na pinagtutuunan ang paraan ng pagsulat
Ortograpiya
Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog; binubuo ng bantas, tunog, at simbolo.
Ano ito at sino nagsabi nito?
Wika; Henry Gleason
Ano sa Ingles ang patinig at katinig
Vowels; Consonants
GLobo, DRama, KLase ay mga halimbawa ng?
Klaster o Kambal-Katinig
AYwan, alAY, bAYtang ay mga halimbawa ng?
Diptonggo
Malambing si Tim magsalita sayo pero masungit pagdating kay Jaypee.
Masasabi nating iba ang [blank] ng pagsasalita niya sayo kumpara kay Jaypee.
Tono
Ilang mga letra ang nasa Alpabetong Filipino?
28
Ang isa pang tawag sa salitang ugat ay?
Payak
Ito ang mga nilalagay sa unahan o hulihan ng salitang-ugat
Maylapi
pang + bansa = pambansa
pang + bobola = pambobola
Isa itong halimbawa ng anong pagbabagong morpoponemiko?
Asimilasyon
ano + ano = ano-ano
sino + sino = sino-sino
Isa itong halimbawa ng anong pagbabagong morpoponemiko?
Pagpapalit
y + in + akap = niyakap
Isa itong halimbawa ng anong pagbabagong morpoponemiko?
Paglilipat / metatisis
ma + dami = marami
Isa itong halimbawa ng anong pagbabagong morpoponemiko?
Pagbabago ng ponema (pwede rin pagpapalit)
bili + han = bilihan = bilhan
Isa itong halimbawa ng anong pagbabagong morpoponemiko?
Pagkakaltas
palala + han = paalalahan + an = paalalahanan
Isa itong halimbawa ng anong pagbabagong morpoponemiko?
Pagdaragdag
hintay + ka = teka
Isa itong halimbawa ng anong pagbabagong morpoponemiko?
Pag-aangkop
Si Banana ay [mataba].
Ano ang antas nitong pang-uri?
Lantay
Si Banana ay [medyo mataba].
Ano ang antas nitong pang-uri?
Katamtaman
Si Banana ay [ubod ng taba].
Ano ang antas nitong pang-uri?
Masidhi
Wikang kinikilalang “nobody’s native language”
Pidgin
Ito ang itinuturing na pinakamataas na antas ng wika. Ginagamit sa mga paaralan.
Pambansa
Wika na dating pidgin pero naging parte na ng lenggwahe
Creole
Wikang ginagamit sa mga akdang pampanitikan
Pampanitikan
Wikang ginagamit sa tiyak na pook
Panlalawigan
Salitang nagbabago ang kahulugan sa paglipas ng panahon
Ex: erpat, carps, etc.
Balbal
Salitang ginagamati sa pang-araw-araw na usapin.
Ex: pwede, ewan, etc.
Kolokyal
ch, ng, sh ay mga halimbawa ng…?
Digrapo
Ito ang pangunahing kahulugan ng isang salita. “Literal meaning”
Denotatibo
Ito ang “hidden” or “figurative” meaning ng isang salita.
Konotatibo
Ayon sa modelong ito, ang bawat isang kasali sa komunikasyon ay may kanya-kanyang FIELD OF EXPERIENCE na maaaring makaapekto sa pagiging epektibo ng komunikasyon.
Modelo ni Schramm
Isa itong linear na modelo ng komunikasyon
Modelong SMCR
Ayon sa teoryang ito, dapat na salain muna ang impormasyon bago ito isa-publiko.
Teoryang Gatekeeping
Ayon sa teoryang ito, malaki ang impluwensya ng telebisyon upang mahubog ang isipan ng isang indibidwal.
Teoryang Kultibasyon
Ayon sa teoryang ito, ang bawat isang indibidwal ay nakakaramdam ng pag-aalinlangan sa isang sitwasyon.
Teoryang Uncertainty Reduction
Ayon sa teoryang ito, ang madla ay mas makapangyarihan sa media; pinaniniwalaang hindi pasibo ang mga manonood.
Ginagamit lamang ng mga manonood ang mga media upang mapunan ang kanilang mga pangangailangan.
Gamit ng Gratification Theory
Ayon kay Roman Jakobson, ginagamit ang wika upang manghikayat.
Ang wika, sa kontekstong ito, ay?
Conative
Ayon kay Roman Jakobson, ginagamit ang wika upang makapagsimula ng interaksyon.
Ang wika, sa kontekstong ito, ay?
Phatic
Ayon kay Roman Jakobson, ginagamit ang wika upang magbigay ng komento.
Ang wika, sa kontekstong ito, ay?
Metalingual
Ayon kay Roman Jakobson, ginagamit ang wika sa masining na pamamaraan.
Ang wika, sa kontekstong ito, ay?
Poetic
Ayon kay Roman Jakobson, ginagamit ang wika bilang isang sanggunian.
Ang wika, sa kontekstong ito, ay?
Referential
Ayon kay Roman Jakobson, ginagamit ang wika upang magpahayag ng emosyon.
Ang wika, sa kontekstong ito, ay?
Emotive
Ano ang dalawang teorya ng pinagmulan ng wika?
Biblikal at siyentipiko
Ayon sa biblikal na teoryang ito, nagmula ang wika sa Espiritu Santo.
Pentecostes
Ayon sa biblikal na teoryang ito, nagmula ang wika sa pagguho ng torre na ipinatayo ng mga tao upang makaabot sa langit.
Tore ng Babel
Ayon sa siyentipikong teoryang ito, nagmula ang wika sa panggagaya ng tao sa mga tunog ng kalikasan
Bow-wow
Ayon sa siyentipikong teoryang ito, nagmula ang wika sa pagbibigay-pangalan ng tao sa mga bagay sa kanyang paligid, batay sa tunog nito.
Ding-dong
Ayon sa siyentipikong teoryang ito, nagmula ang wika sa mga taong nag-eeksert ng puwersa
Yo-he-ho
Ayon sa siyentipikong teoryang ito, nagmula ang wika sa matinding emosyon ng tao
Pooh-pooh