fili 3 Flashcards
Ang ___ ay ang
relasyon
ng pandiwa sa
panaguri ng pangungusap.
kaganapan
Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng bagay na tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa.
Kaganapang Layon
Bahagi ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang nakikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
Kaganapang Tagatanggap
Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar na siyang pinaggaganapan ng kilos
na
ipinahayag
ng,
pandiwa.
Kaganapang Ganapan
Bahagi ng panaguri na
nagsasaad kung anong bagay
o kagamitan ang
ginagamit upang maisagawa ang kilos na ipinahahayaging pandiwa.
Kaganapang Kagamitan
Bahagi ng panaguri na
nagsasaad ng direksyong isinasaad
ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa
Kaganapang Direksyunal
Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilan ng pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Kaganapang Sanhi
Ang ___ ay ang
relasyon ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.
pokus
Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sino?”
Pokus sa Tagaganap/ Aktor
Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot
sa tanong na “ano?”
Pokus sa Layon
Paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “saan?”
Lokatibong Pokus o Pokus sa
Ganapan
Ang paksa ang tumatanggap
sa kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na”para kanino?”.
Benepaktibong Pokus o Pokus
sa Tagatanggap
Ang paksa ang kasangkapan o
bagay na ginagamit upang
maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng
ano?”
Instrumentong Pokus o Pokus
sa Gamit
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa
tanong na “bakit?”
Kosatibong Pokus o Pokus sa Sanhi
Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “tungo saan/kanino?”
Pokus sa Direksyon
Bahagi ito ng panaguri na gumaganap sa kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Kaganapang Tagaganap