Ap 4 Flashcards
Ayon sa nasabing pag-aaral, may mga hayop, katulad ng dolphin, unggoy, at chimpanzee na nagpapamalas ng pagkakaroon ng ugnayang homosekswal at laganap ito sa kanila.
same sex relation
Patunay na laganap ang homosekswalidad sa sinaunang lipunan ang nasaksihan ng mga Espanyol sa Central America at South America nang simulan nila itong sakupin noong __-
ika-15 siglo.
Napag-alaman nilang pangkaraniwan ang homosekswalidad sa lahat ng uring panlipunan, at ikinabigla rin nila ang depiksiyon ng homoseksuwalidad sa kanilang sining.
espanyol
Sa Pilipinas, itinala ng prayleng si _______ ang pagkakaroon ng homosekswalidad sa sinaunang lipunan sa pamamagitan ng mga bayog o lalaking babaylan na nagkikilos-babae at nag-aanyong babae upang gampanan ang prestihiyosong tungkulin ng babaylan, at nag-aasawa sila ng kapwa lalaki.
Francisco Alcina
Sa kabila ng deklarasyon ng _____________ na nararapat kilalanin ang karapatan ng mga LGBT bilang karapatang pantao, karamihan pa rin sa mga bansa sa daigdig ang hindi kumikilala sa same-sex marriage sa kanilang mga batas.
United Nations Human Rights Committee
Ang same-sex marriage ay mas tanggap ng mga taong hindi gaanong relihiyoso ayon sa sarbey halimbawa ng ___ noong 2016
Pew Research Center
Ayon sa ____, ang terminong prostitusyon ay terminong ginamit sa mga batas na ipinatupad noong ika-19 hanggang ika-20 siglo para tukuyin ang sex work, o ang pagbebenta o paki-kipagpalit ng serbisyong seksuwal para sa salapi, serbisyo, o kalakal.
United Nations Development Program (UNDP)
Ang ____ ay tumutukoy sa taong
nagbebenta o nakiki-pagpalit ng
serbisyong seksuwal kahit na hindi niya itinuturing ang sarili bilang sex worker, o itinuturing ang gawain bilang trabaho.
Sex worker
Ang ___ ay maaaring direkta (hayagan at pormal) o di-direkta (patago
at impormal).
sex work
kinikilala ng mga sex worker ang sarili
bilang sex worker at nagha-
hanapbuhay sa pamamagitan ng
pag-bebenta o pakikipagpalit ng
serbisyong seksuwal kapalit ng salapi
DIREKTANG SEX WORK (HAYAGAN O PORMAL)
hindi kinikilala ng sex worker ang sarili bilang sex worker at kadalasang may ibang trabaho at nagbebenta lamang ng serbisyong seksuwal upang madagdagan ang kaniyang kita.
DI DIREKTANG SEX WORK (PATAGO O IMPORMAL)
hindi kinikilala ng sex worker ang sarili bilang sex worker at kadalasang may ibang trabaho at nagbebenta lamang ng serbisyong seksuwal upang madagdagan ang kaniyang kita.
DI DIREKTANG SEX WORK (PATAGO O IMPORMAL)
ang indibidwal ay may kalayaang pumasok sa anomang kontrata basta ito ay bukal sa loob niya at hindi siya pinipilit ninoman.
Liberal Feminist
ang sex work ay manipestasyon ng korapsiyon ng suweldo kung kaya’t nakakababa ng katauhan at
nagbibigay-daan sa pananamantala.
Marxist Feminist
na naniniwalang ang sex work ay hindi lamang itinatakdang
determinismong ekonomiko kung hindi mayroon ding pinag-ugatang sikolohikal at
panlipunan.Para sa kanila, ang sex worker ay biktima ng korapsiyon ng lipunang
nahahati sa mga uri.
social feminist
ang pagpasok ng sex worker sa kontratang pakikipagpalit ng
serbisyong seksuwal sa salapi o kalakal ay hindi boluntaryo at siya ay itinuturing na lamang bilang isang
Radical Feminist
Naidokumento ang mga unang kaso ng tinatawag dating prostitusyon sa Pilipinas noong ____ at ito ay kaugnay ng paglaganap ng epidemya ng sipilis, isang venereal disease o sakit na nakukuha mula sa pakikipagtalik Nang mapasailalim ang Pilipinas sa kapangyarihan ng mga Amerikano, agad na nagtalaga ng red light district o mga nakatakdang lugar ng aliwan
ika-19 siglo
Layunin nito na protektahan ang mga indibidwal mula sa human trafficking at maparusahan ang mga nagpapatakbo ng gawain nito.
“Expanded Anti Trafficking in Persons Act of 2012”
nagtatakdang ang sapilitang HIV testing ay ilegal, gayundin ang diskriminasyon sa mga taong may HIV
“AIDS PREVENTION AND CONTROL ACT OF 1998”
lahat ng nagtratrabaho sa massage parlor ay kinakailangang magkaroon ng sertipikong pangkalusugan na manggagaling sa lokal na awtoridad pangkalusugan ay patunay na bagama’t ilegal ang sex work sa bansa.
“Probisyon ng Sanitation Code”
Binigyang kahulugan ng ____ ang karahasan laban sa kababihan bilang “anomang pagpapamalas ng karahasang batay sa kasarian, na humanhantong sa, o maaaring humantong sa
kapahamakang pisikal, seksuwal, o sikolohikal ng kababaihan, kasama ang pagbabanta ng mga nabanggit ma gawain, pamimilit at arbitraryong pisikal ng kalayaan, maging sa larangang pribado man o publiko.”
“Declaration on the Elimination of Violence Against Women”
ay tumutukoy sa pananakot sa biktima sa pamamagitan ng pagbabantang saktan siya o ang mahal niya sa buhay, pag-babantang dukutin siya, panliligalig sa kaniya, maging pagpatay sa kaniyang alagang hayop at paninira ng kaniyang ari-arian.
Karahasang Sikolohikal
minamaliit ng nambibiktima ang
pagpapahalaga ng biktima sa kaniyang sarili sa pamamagitan ng palagiang kritisismo, pangmamaliit,
pangangako at di pagtupad dito, at
iba pa.
Karahasang Emosyonal
ay may kinalaman naman sa pagtatangkang gawing plaasa ang biktima sa nambibiktima sa aspektong pinansiyal.
Karahasang Ekonomiko
ay may kinalaman sa sapilitang pagtatalik tulad ng panggagahasa, pananakit sa mga bahaging seksuwal ng katawan, pamimilit na makipagtalik sa hayop, sex work, o paggamit ng pornograpiya.
Karahasang Seksuwal
naman ang tawag sa pananakit o tangkang pananakit sa biktima sa pamamagitan ng pagsunggab, pagkurot, pagtulak, pagsampal.
Paghampas, pagsabunot, pagkagat, pagbali ng braso, pagtadyak, pagsuntok, pagbato ng mga bagay, pananaksak, o pagbaril.
Karahasang Pisikal
Ang ____ay tumutukoy sa anomang pagkilos na seksuwal, pag-tatangkang makakuha ng pagkilos na seksuwal, hindi kanais-nais na mga komentong seksuwal o advances laban sa seksuwalidad ng isang tao gamit ang pamimilit, ng sinomang tao ano-man ang relasyon niya sa biktima, sa ilalim ng anomang situwasyon.
karahasang seksuwal
ang ___na kadalasang nagaganap sa Africa at Kanlurang Asya. Dito ay tinatang-gal ang bahagi ng ari ng batang babae nang hindi para sa dahilang medikal, na nagiging sanhi ng trauma, impek-siyon, at maging kamatayan ng ilan.
Female Genital Mutilation (FGM)
Ayon sa _____, sa bawat 53 minuto, isang babae ang ginagahasa, at pito sa bawat sampung biktima ay batang babae. Sa bawat 16 na minuto, isang babae ang nakararanas ng karahasan.
Center for Women’s Resources (CWR),