fili 2 Flashcards
ay hindi simpleng babasahing may kuwento o mensahe. lindi lamang ito akdang nagbibigay ng sandaling pagtakas sa realidad upang
tunghayan ang mga pangyayaring bunga ng kathang isip.
spanitikan
Sinibigyang-diin ng teoryang ito ang porma o kaanyuan ng isang akda
*Naniniwala itong nasa porma o estruktura ng isang akda ang kasiningan nito.
1.Pormalismo
Sa pananaw na ito, sinusuri ang akda batay sa kung paano nito tinatalakay ang mga isyung panlipunan. Tinitingnan dito ang kaugnayan ng mga institusyon, suliranin, at estrukturang panlipunan.
2.Sosyolohikal
Sa dulog na ito, ang binibigyang-pansin ay ang panahong kinabibilangan ng mga tauhan at pangyayari sa akda. Sapagkat ang panitikan ay produkto ng realidad, hindi maiiwasan na ang manunulat ay bumatay sa isang tiyak na panahon upang pangyarihan ng kaniyang akda. Sa pananaw na ito, sinusuri ang akda bilang salamin ng kasaysayan ng isang bayan.
3.Historikal
Sa paggámit ng teoryang ito, nasusuri kung paanong ang akda ay naimpluwensiyahan ng tunay na búhay ng awtor. Ang mga tauhan, tagpuan, pangyayari, at iba pang elemento ng akda ay may paralelismo o pagkakatulad ba sa mga totoong detalye ng búhay ng awtor? Makikita ba sa akda ang mga pilosopiyang namamayani sa kaniyang panahon? Makikita ba sa akda ang impluwensiya ng mga panitikang binása ng awtor na humubog sa kaniyang kaisipan?
Biyograpikal
teortang ito ang estado ng kababaihan bílang paksa ng panitikan. Naglalayon itong igiit ang espasyo ng babae bilang indibidwal na may dignidad at kalayaan. Ipinakikita nito ang tunggalian ng kababaihan na malabanan ang opresyon ng sistemang patriyarkal o makalala
Feminismo
Nakatuon ito sa pagsusuring pag-uugali, gawi, kilos, natatagong motibo, dahilan, at iba pang salik ng pagkatao ng mga tauhan batay sa sikolohiya. Itinuturing ang mga tauhan na tunay na tao kayâ ginagamit din sa pagsusuring kanilang pagkatao ang mga
teoryang sikolohikal na gamit sa tunay ha mga tao.
Siko-analitiko
Nakatuon ito sa pagtúkoy ng mga tauhan, tagpuan, pangyayari, tema, o simbolo sa sa iba’t ibang anyo ng panitikan ay nagkakaroon na ng unibersal na pagkakakilanlan at maituturing nang isang padron.
Arketaypal
Nakatuon ito sa bisà ng panitikan sa kaasalan, kaisipan, at dam-dámin ng tao. Ang diin nito ay sa áral na naiidudulot ng isang akda.
Sa mga mámbabasá o tagapakinig, ang áral ay nasa larangan ng etika o moralidad ng kilos at gawi sa pang-araw-araw na búhay ng tao bilang kasapi ng lipunan.
Moralismo
Nakabatay sa mga teoryang lingguwistiko ni Ferdinande de Saussure na isang dalubhasa sa wika, hinamon nito ang panini-walang salamin ng realidad ang isang akda. Sa halip, naniniwala itong ang isang panitikan ay bunga ng mga lingguwistikong kumbension at maihahambing sa ibat ibang teksto. Sinusuring mga tagapagsulong ng teoryang ito ang mga estrukturang nakapailalim sa akda, gaya ng karakterisasyon at banghay at kung paano ito nakabubuô ng mga uniber sal na padron na magagamit sa pagsusuring indibidwal na mga akda at mga sistema.
Estrukturalismo
Naniniwala ito na ang kahuluganng isang akda ay nasa kama-layan ng gumagamit ng teksto at hindi sa teksto. Habang isi-nusulat ang akda, ang kahulugan nito ay nasa kamalayan ng manunulat. Ngunit sa oras na nasa kamay na ito ng mámbabasá, ang kahulugan ng akda ay nasa mámbabasá na. Ang kamala-yang pangkasaysayan, kaagapay ng pamamaraang makaagham, ang pinakapinal na batayan at sukatan sa kabuoan o kakulangan ng interpretasyon ng akda. Ang teoryang ito ay kilalá rin sa tawag na post-estrukturalismo.
Deskontruksiyon