FIL (Prelims) Flashcards
Ayon kay __________,
Ang pagsasalin ay pagbuo
sa tumatanggap na wika ng
PINAKAMALAPIT AT LIKAS NA KATUMBAS ng mensahe ng simulaang wika, una ay sa kahulugan at ikalawa, ay sa estilo.
EUGENE A NIDA, 1964
Closest to the message
Ayon kay __________,
Ang pagsasalin ay maaring maisagawa sa pamamagitan ng PAGTUTUMBAS sa IDEYANG nasa likod ng pananalita
Theodre H. Savory, 1968
match the idea
Ayon kay __________,
Ang pagsasalin ay muling pagbubuo sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng KAHALINTULAD NG MENSAHE sa simulaang wika subalit gumagamit ng mga piling tuntuning gramatikal at leksikal ng tumatanggap na wika
Mildred L. Larson, 1984
Ayon kay __________,
Ang pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng
pagtatangkang PALITAN ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng GAYON DIN MENSAHE sa ibang wika
Peter Newmark, 1988
Nagmula sa salitang Latin na “_______” na nangangahulugang “pagsalin”
translatio
True or False
Isang kahulugan ng pagsalin ay
“pagsasaling-wika”
FALSE
dahil ito ay redundant. Sa saliksik ni Almario sa
Vocabulario de la Lengua Tagala (1754),
ang kahulugan ng “salin” ay transladar
(paglalapat ng salita para sa salitang
nasa ibang wika)
Sa saliksik ni Almario sa Vocabulario de la Lengua Tagala (1754), ang kahulugan ng “salin” ay ________ (paglalapat ng salita para sa salitang
nasa ibang wika)
transladar
Isang matandang kawikaang
Italiano ang “__________” na nangangahulugang “tagasalin, taksil.”
traduttore, traditore
Ayon kay __________
Ang pagsasalin ay iniaayon sa mga salita kapag ito’y MAUUNAWAAN, at ginagawang MALAYA naman kapag iyon ay may kalabuan datapuwa’t hindi lumalayo kailanman sa kahulugan
PACIANO MERCADO RIZAL (1886)
Ano ang priyoridad sa pagsasalin?
- Kahulugan
- Estruktura
- Estilo
- Pinaglalaanang tao
Ano-ano ang dalawang elementong dapat mayroon sa pagsasalin?
- SL (source language o simulaang lengguwahe)
- TL (target language o tunguhang lengguwahe)
Kahalagahan ng Pagsalin
Magdagdag ng mga ________ mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan mula sa ibang wika
Mailahok sa _________ ang iba’t ibang katutubong kalinangan mula sa iba’t ibang wikang rehiyonal at
pangkating etniko sa bansa
Mapagyaman ang ________ sa iba’t ibang kultura sa daigdig mula sa pagbubukas ng bagong mundo mula sa mga salin
impormasyon at kaalaman
pambansang kamalayan
kamalayan sa iba’t
ibang kultura sa daigdig
gawaing sumasaklaw sa paghahanap na katumbas na salita para sa SL hanggang sa pagsisikap na
gayahin ang anyo at himig ng orihinal na
akda
Imitasyon o Panggagaya
________ ang layuning higit na tumutupad sa inaakalang interes o pangangailangan ng lipunan at panahon ng tagasalin. Nagbibigay ito ng kalayaan at pleksibilidad sa proseso ng pagsasalin. Maaari itong mangahulugan ng pagsasapanahon.
Maaari itong umabot sa paglalapat ng wikang higit na naiintindihan ng mambabasá ng salin. Maaari itong mangahulugan ng paglilipat ng orihinal túngo sa isang anyong ipinalalagay na mas ninanais basahin ng madla
Reproduksiyon o muling-pagbuo
4 na dahilan KUNG BAKIT DAPAT
MAGSALIN?
- Selection (Problem identification)
- Codification (Standardization)
- Implementation (Evaluation and Correction)
- Elaboration (development)
True or False
Kasintanda din ng nakalimbag na panitikan ang pagsasalin sa Pilipinas.
True
Ang unang aklat na nailimbag, ang __________, ay salin
ng mga pangunahing dasal at tuntunin ng Simbahang Katolika.
Doctrina Cristiana (1593)
Nasundan pa ito ng pagsasalin ng mga tekstong __________ noong Panahon ng mga Español mula wikang Español tungong mga katutubong wika (hal., Tagalog, Cebuano, Kapampangan, etc.) sa layuning indoktrinahan ang mga Pilipino
moral o relihiyoso
Anong panahon
Naging masigla ang pagsasalin sa wikang Pambansa
ng mga akdang nasa wikang Ingles
Panahon ng Amerikano
Ang pagsasalin daw ay ______ dahil sa pinagdaraanan nitong proseso.
agham
true or false
Di kailangang lumikha ang pagsasalin ng “pang-
akit na domestiko” sa target na pook upang
mabisàng mailipat ang anumang impormasyon at
kaalaman.
false. kailangan
Pagsasalin ng mga materyales pampaaralan gaya aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa
Patakaran Bilinggwal
For reading only
B. PANAHON NG AMERIKANO
-Rolando Tinio maraming naisaling klasiko
-National bookstore (1971) ipinasalin ang mga
popular na nobela at kuwentong pandaigdig gaya
“Rapunzel”, “The little Prince” atbp
-Goodwill Bookstore –naglathala ng koleksyon ng mga klasikong sanaysay nina Aristotle, Aquinas , Kant atbp.
- The Children’s Communication Center –nagsalin at
naglathala ng mga kuwentong mula Asya, Palaso ni Rama, Palaso ni Wujan atbp
noted
Ang pagsasalin naman daw ay _____ dahil sa ginagawa ditong muling paglikha
sining
Ayon kina Minako O’Hagan (2002), ang ________ ay isang proseso upang mahawi ang mga hadlang pangkultura upang magkaroon ng epekto sa bawat target na bansa .
lokalisasyon