AP Week 1 - Karapatang Pantao Flashcards
– pandaigdig na dokumento na nabuo noong 1948
– nagtakda ng pangkalahatang pamantayan ng mga karapatan at kalayaang dapat tamasin ng bawat tao
Universal Declaration of Human Rights (UDHR)
– kaasalan ayon sa mabuting pamantayan ng pagganap ng isang tao
– kaugnay ng pagkakakilanlan sa dignidad ng lahat ng tao
Karapatang Pantao
– karapatang payak na taglay ng bawat tao mula pa sa sinapupunan ng ina
– hindi ito maaaring baguhin o pigilan ng kahit anong uri ng batas o kultura
– karapatang mabuhay, wastong pagkakakilanlan o dignidad, magmahal o mahalin ay isa sa mga halimbawa nito
Karapatang Likas
– Karapatang itinakda ng batas na isinulat at pinagtibay ng kongreso
– Layunin nitong pagbawalan ang ilang gawain o bigyan ng karapatan ang mga grupo
tulad ng kabataan at indigenous people
Karapatang Statutory
– katipunan ng mahalagang karapatan (karapatang pampolitika, panlipunan, pangkabuhayan, pangkultura at marami pang iba)
Bill of Rights
– karapatang ipinagkaloob sa mga manunulat, pintor, at eskultor na may mahalagang ambag o likhang sining na maaring nakawin ng iba
Intellectual Property Rights