AP 9 Aralin 6: Patakarang Pananalapi Flashcards
Ano-ano ang mga gamit ng salapi?
- Medium of Exchange
- Unit of Account
- Store of Value
Ito ay isang sistemang pinaiiral ng Pamahalaan sa pamamagitan ng Bangko Sentral upang makontrol ang dami o suplay ng salapi na umiikot o dumadaloy sa ekonomiya.
Patakarang Pananalapi
Ano ang 2 bagay na maaring ipatupad ng pamahalaan upang makontrol ang dami ng salapi na dumadaloy sa ekonomiya?
- Expansionary Money Policy
- Contractionary Money Policy
Ito ay ipinapatupad kapag nais ng pamahalaan na mahikayat ang mga negosyante na magpalawak o magbukas pa ng bagong negosyo.
Expansionary Money Policy
Ibinababa ng Banko Sentral ang interes sa pautang na siyang humihikayat sa mga negosyante na mangutang upang mapalawak ang kanilang negosyo. Ito ang lilikha ng maraming trabaho kaya marami ang magkakaroon ng kakayahan na makabili ng mga produkto o serbisyo na siya namang magpapataas sa kabuuang demand ng Sambayan at ng mga Bahay-Kalakal.
Ito ay ipinapatupad kapag inaasahang tataas ang pangkalahatang presyo sa pamilihan, dahil sa labis na salaping umiikot sa ekonomiya.
Contractionary Money Policy
Itinataas ng Bangko Sentral ang interes sa pautang upang mabawasan ang puhunan ng mga Bahay-Kalakal na siyang magpapababa sa produksyon. Ito ang magiging dahilan upang bawasan din ng Sambahayan ang kanilang paggastos na siyang magpapababa sa pangkalahatang demand.
Namamahala sa paglikha, pag-suplay, at pagsasalin-salin ng salapi sa ating ekonomiya.
Sektor ng Pananalapi
Ang sektor ng pananalapi ay binubuo ng tatlo. Ibigay.
- Institusyong Bangko
- Intitusyong Di-bangko
- Regulator
Tumatanggap ng sobrang salapi at nagsisilbing tagapamagitan sa mga nangangailangan ng salapi.
Institusyong Bangko
Mga halimbawa ng Institusyong Bangko:
- Commercial Banks
- Thrift Banks
- Rural Banks
- Specialized Banks
- Trust Companies
Tumatanggap ng mga kontribusyon mula sa mga kasapi at ito ay kaniyang palalaguin at muling ibabalik sa mga kasapi pagdating ng panahon upang mapakinabangan.
Intitusyong Di-bangko
Mga halimbawa Institusyong Di-bangko:
- Kooperatiba
- Bahay-Sanglaan (Pawnshop)
- Pension Funds (SSS/Pag-Ibig/PhilHealth atbp.)
- Registered Companies
- Pre-Need Companies
- Insurance Companies
Ito ang pangunahing institusyon na naglalayong mapanatili ang katatagan ng halaga ng ating salapi.
Bangko Sentral ng Pilipinas
Mga halimbawa ng Regulators:
- Bangko Sentral ng Pilipinas
- PDIC o Philippine Deposit Insurance Corporation
- SEC o Securities and Exchange Commission
- IC o Insurance Commision
Ito ang nagbibigay proteksyon sa mga depositors.
PDIC o Philippine Deposit Insurance Corporation
Ito ang nagtatala at nagrerehistro sa mga kompanya sa bansa.
SEC o Securities and Exchange Commission