AP 9 Aralin 5: Patakarang Piskal Flashcards
Tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis.
Ito rin ang pagkontrol ng pamahalaan sa ekonomiya upang mapatatag ang pambansang ekonomiya.
Patakarang Piskal
(Ang salitang piskal o fiscal ay nagmula sa salitang latin na fisc, na ang ibig sabihin ay basket o bag)
2 Paraang isinasagawa ng Pamahalaan sa Patakarang Piskal:
- Expansionary Fiscal
- Contractionary Fiscal
Ito ay isang paraan na isinasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa.
Expansionary Fiscal
Ito ay isang paraan na isinasagawa ng pamahalaan kapag nasa bingit na ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa ekonomiya.
Contractionary Fiscal
Ito ay dulot ng lubhang sigla sa ekonomiya ng isang bansa.
Overheated Economy
Ito ang pabago-bagong kalagayan ng pambansang ekonomiya sa maikling panahon.
Economic Fluctuations
Tawag sa panahon kung saan nakakaranas ng masiglang ekonomiya.
Boom Period
Tawag sa panahon kung saan nakakaranas ng matamlay na ekonomiya.
Bust Period
Magbigay ng halimbawa ng Contractionary Fiscal.
Pagpapataas sa singil ng buwis
Ito ang salaping sapilitang kinukuha ng pamahalaan sa mga mamamayan.
Buwis
Buwis na tuwirang ipinapataw sa mga indibidwal o bahay kalakal.
Tuwiran (Direct Tax)
Hal: With-holding tax
Buwis na ipinapataw sa mga kalakal o serbisyo.
Di-Tuwiran (Indirect Tax)
Hal: Value-added Tax
Nangangalap ng buwis sa mga kalakal o serbisyo mula sa loob ng bansa.
BIR o Bureau of Internal Revenue
Nangangalap ng buwis sa mga kalakal o serbisyo mula sa labas ng bansa.
BOC o Bureau of Customs
Isang plano kung paano tutugunan ng pamahalaan ang mga gastusin nito.
Pambansang Badyet