AP 9 Aralin 1: Paikot na Daloy ng Ekonomiya Flashcards
Ilan ang modelo ng pambansang ekonomiya?
5
Ibigay ang mga AKTOR o TAGAGANAP sa paikot na daloy ng ekonomiya.
-Bahay Kalakal
-Sambahayan
-Pamahalaan
-Panlabas na Sektor
Ibigay ang mga iba’t-ibang uri ng PAMILIHAN sa paikot na daloy ng ekonomiya.
-Commodity Market
-Financial Market
-Resource o Factor Market
Ito ay nagpapakita ng ugnayan ng NAGBEBENTA at BUMIBILI at ng mga NAGSUSUPLAY at NANGANGAILANGAN sa pambansang ekonomiya.
Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan sa ugnayan ng iba’t ibang kasapi sa pambansang ekonomiya.
Ang modelong ito ay nagpapakita ng isang payak na ekonomiya na kung saan ang Sambahayan at Bahay-Kalakal ay IISA.
Ang GUMAGAWA ng produkto ay siya ring KUMOKONSUMO.
Unang Modelo
Sa modelong ito, ang ekonomiya ay nahahati sa dalawang sektor: Ang Sambahayan at Bahay Kalakal. Ibig sabihin ay HINDI NA IISA ang Bahay-Kalakal at Sambahayan.
Mayroon itong dalawang Pamilihan:
- Resource o Factor Market
- Commodity Market
Ikalawang Modelo
Sila ang KUMOKONSUMO ng mga produkto o serbisyo.
Sila rin ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksyon.
Sambahayan
Sila ang GUMAGAWA ng produkto o serbisyo.
Sila rin ang nagbabayad sa Sambahayan ng halaga ng produksyon.
Bahay-Kalakal
Ang sektor ng ekonomiya kung saan nagaganap ang import (pagluluwas) at export (pag-aangkat) ng mga produkto
Panlabas na Sektor
Sa modelong ito, pumapasok ang FINANCIAL MARKET at ang gawain ng pag-iimpok at pamumuhunan.
Ikatlong Modelo
Ang pamilihang ito ang tumatanggap ng ipon at nagpapautang ng pondo.
Financial Market
Sa modelong ito, lumalahok ang Pamahalaan.
At ang gawain ng paniningil ng buwis, pambulikong serbisyo, paggawa ng mga batas at polisiya.
Ikaapat na Modelo
Sila ang namamahala o nangungulekta ng mga BUWIS at nagkakaloob ng serbisyo at produktong pambubliko.
Pamahalaan
Ano ang tawag sa buwis na nakokolekta ng Pamahalaan sa Bahay-Kalakal at Sambahayan.
Public Revenue
Tulong na ibinibigay ng Pamahalaan sa Sambahayan at Bahay-Kalakal mula sa pondo o buwis na nalikom.
Transfer Payments o Tulong Pampinansyal
Bakit mahalaga maging epektibo ang paghahatid ng mga serbisyong pambubliko at paraan ng paniningil ng buwis?
Dahil ang tatag ng ekonomiya ay nakasalalay din sa mga proyektong kayang itaguyod ng Pamahalaan.
Sa modelong ito, nagkakaroon ng relasyon ng PANLABAS NA KALAKALAN sa paikot na daloy ng ekonomiya.
Ikalimang Modelo
Sa pamilihang ito kumukuha ng mga hilaw na materyales o salik ng produksyon na kakailanganin ng Bahay-Kalakal upang makagawa ng produkto.
Resource o Factor Market
Sa pamilihang ito ibinebenta ang mga nagawang produkto o serbisyo ng Bahay-Kalakal upang bilhin ng Sambahayan sa pagkonsumo.
Commodity Market
Ano ang inilalarawan ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya?
Ugnayan ng bawat sektor o kasapi ng ekonomiya
Ito ay ang pagpapaliban sa paggastos ng Sambahayan para sa kanilang mga pangangailangan para sa hinaraharap.
Ito ay maaring ilagay sa Financial Market.
Pag-iimpok
Hihiram ang Bahay-Kakalal mula sa Financial Market na galing sa inimpok na pera ng Sambahayan.
Pamumuhunan
Ito ay ang PAGBILI ng mga produkto at serbisyo mula sa IBANG BANSA.
Pag-aangkat o IMPORT
Ito ay ang PAGBEBENTA ng mga produkto at serbisyong gawa sa ATING BANSA.
Pagluluwas o EXPORT