AP 9 Aralin 2: Pambansang Kita Flashcards
Ito ay ang dibisyon ng ekonomiks na sumusuri sa lagay ng pambansang ekonomiya.
Makroekonomiks
Ito ay tumutukoy sa lagay ng ekonomiya ng isang bansa at kung matutugunan ba ng mga mamamayan ang kanilang mga pangangailangan.
Pambansang Ekonomiya
Ito ay ang kabuuang halaga ng mga tinatanggap na kita ng pambansang ekonomiya.
Pambansang Kita
Ano ang dalawang paraan ng pagsusukat ng Pambansang Kita?
- GNP o Gross National Product
- GDP o Gross Domestic Product
Tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa sa isang takdang panahon.
GNP o Gross National Product
“Gawa Ng Pinoy”
Kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa sa loob ng isang bansa sa loob ng isang takdang panahon.
GDP o Gross Domestic Product
“Gawa Dito sa Pilipinas”
NOT A QUESTION:
Pagkakaiba ng GNP at GDP
GNP: “Gawa Ng Pinoy”
-Halaga ng lahat ng mga produkto at serbisyo na ginawa ng mga PILIPINO sa loob at labas ng bansa.
GDP: “Gawa Dito sa Pilipinas”
-Halaga ng lahat ng mga produkto at serbisyo na ginawa sa PILIPINAS kasama na ang mga gawa ng mga dayuhan.
3 Paraan ng Pagsukat ng GNP
-Income Approach
-Expenditure Approach
-Industrial Origin Approach
Magbigay ng isang halimbawa na kung saan hindi ito sinusukat ng GNP:
Impormal na Sektor / Underground Economy
Halimbawa: Naglalako ng paninda sa kalsada
Bakit: Hindi nakarehistro at walang dokumentong mapagkukunan ng datos ng kanilang gawain upang ang halaga ng kanilang produksyon ay masukat.
Formula para malaman ang Price Index.
Price Index = Presyo ng kasalukuyang taon
—————————————— x 100
Presyo ng batayang taon
Formula para malaman ang Real GNP.
Real GNP = Price Index ng batayang taon
——————————————— x CP
Price Index ng kasalukuyang taon
CP = Current Price o Presyo ng kasalukuyang taon
Formula para malaman ang Growth Rate.
GNI sa kasalukuyang taon — GNI sa nakaraang taon
——————————————————— x 100
GNI sa nakaraang taon
Ito ang sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kumpara sa nagdaang taon.
Growth Rate