AP 9 Aralin 4: Ang Implasyon Flashcards
Ito ang pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto sa pamilihan.
Implasyon
Ano ang dalawang (2) kadahilanan ng implasyon?
Demand Pull at Cost Push
Ito ang resulta kapag nagkakaroon ng pagtaas sa demand o paggasta ng mga sektor ng ekonomiya (Sambahayan, Bahay Kalakal, Pamahalaan, at Panlabas na Sektor) at hindi nasabayan ng supply ng produkto.
Demand Pull
Demand > Supply = Shortage. Dahil sa disekwilibriyong ito sa pamilihan, nagkakaroon ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
Demand Pull
Ayon sa eksperto, bakit nagaganap ang demand pull sa isang ekonomiya?
Nagaganap ito kapag labis ang salaping umiikot sa ekonomiya. Dahil dito, ang mga konsyumer ay nagkakaroon ng pagkakataon na bumili ng maraming produkto na siyang tumutulak sa presyo pataas.
Halimbawa: Kapag valentines day, tumataas ang bilang ng mga bumibili ng mga bulaklak sa dangwa flower market, kaya tumataas ang presyo ng mga bulaklak.
Ito ang resulta kapag nagkaroon ng pagtaas ng gastusin sa produksiyon na siyang tutulak sa presyo pataas.
Cost Push
Halimbawa: Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga hilaw na materyales sa paggawa ng sisig, tataas din ang presyo.
Kapag tumaas ang PSP (Presyo ng Salik ng Produksyon) = Tataas ang Presyo
Cost Push
note: Hindi nanaiisin ng mga prodyusers na pasanin ang bigat ng pagbabago sa presyo ng produksiyon kaya ipapasa niya ito sa mga konsyumers.
Ito ay isang mekanismo upang masukat ang laki ng pagbabago sa presyo.
Price Index
Sumusukat sa pagbabago ng presyo ng mga produkto at serbisyo na ginagamit ng mga konsyumer.
Consumer Price Index o CPI
Ito ay nagagamit din upang masukat ang antas ng pamumuhay o cost of living ng mga konsyumers.
Market Basket
Ano ang pangunahing batayan sa pagkompyut ng CPI na nakalista sa tinatawag na Market Basket?
Ang presyo at dami ng produktong kinokunsumo ng bawat pamilya sa loob ng isang buwan
Formula of Weighted Price & Total Weighted Price (WP & TWP)
WP = Quantity x Price, then
TWP = Add all of the Weighted Prices
Formula of Consumer Price Index (CPI)
CPI₍ᵧₑₐᵣ₎ = TWP ⁽ᵏᵃˢᵃˡᵘᵏᵘʸᵃⁿᵍ ᵗᵃᵒⁿ⁾
————————— x 100
TWP ⁽ᵇᵃˢᵉʰᵃⁿᵍ ᵗᵃᵒⁿ⁾
Formula of Inflation Rate (IR)
IR₍ᵧₑₐᵣ₎ = CPI ⁽ᵏᵃˢᵃˡᵘᵏᵘʸᵃⁿᵍ ᵗᵃᵒⁿ⁾ — CPI ⁽ⁿᵃᵏᵃʳᵃᵃⁿᵍ ᵗᵃᵒⁿ⁾
———————————————— x 100
CPI ⁽ⁿᵃᵏᵃʳᵃᵃⁿᵍ ᵗᵃᵒⁿ⁾
Formula of Purchasing Power of Peso (PPP)
PPPᵧₑₐᵣ = 100
———
CPI