Wika at Komunikasyon Flashcards
Ilan ang katutubong wika sa ating
bansa?
180+
Sa mahigit 180 na mga wika, ano ang
pambansang wika ng Pilipinas?
FILIPINO
mahalagang instrumento
ng komunikasyon
WIKA
Isang kalipunan ng mga salita at ang
pamamaraan ng pagsasama-sama ng
mga ito para magkaunawaan o
makapag-usap ang isang grupo ng
mga tao.
Constantino at Zafra (2000)
Isang proseso ng pagpapadala at
pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong cues
na maaaring berbal o di-berbal,
Bernales et al. (2002)
Wika ang sumasalamin sa mga mithiin,
pangarap, damdamin, kaisipan o
saloobin, pilosopiya, kaalaman at
karunungan, moralidad, paniniwala, at
mga kaugalian ng tao sa lipuan.
Santiago (2003)
Midyum na ginagamit sa maayos na
paghahatid at pagtanggap ng
mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.
Mangahis et al. (2005)
Ang wika’y parang hininga.
Gumagamit tayo ng wika upang
makamit ang bawat
pangangailangan natin.
Lumbera (2007)
Ang wika ay _.
Nagbabago-bago ang wika depende
sa lugar, panahon, at kulturang
kinabibilangan ng tao.
ARBITRARYO
“una ang bigkas bago ang sulat”
konseptong “ponosentrismo”
pinakamaliit na yunit ng tunog
ponema
pag-aaral sa mga ponema
ponolohiya
yunit ng salita
morpema
pag-aaral sa mga morpema
morpolohiya
ugnayan ng mga salita
sintaks
kahulugan ng pangungusap
semantika
sinaunang paraan ng pagsulat
ng mga Pilipino
BAYBAYIN
Wikang karaniwan o balana. Tinatanggap sa lipunan. (Halimbawa: ina, sigarilyo, at gutom)
Pambansa
Pinakamataas na antas ng wika. Ginagamit ng mga makata at pantas sa kanilang pagsusulat. (Halimbawa: Ilaw ng tahanan, sigar na hinihithit, kumakalam ang sikmura)
Pampanitikan
Pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita. Bahagya lamang na tinatanggap sa lipunan. (Halimbawa: ‘ma, sigaryo, at gutom)
Kolokyal
Pinakamababang antas ng wika. Wikang lansangan. (Halimbawa: ermat, yosi, at tom-guts)
Balbal
Iilang tao lamang ang nakakaintindi. Wikang ginagamit sa isang rehiyon. (Halimbawa: inahan, tobako, at mabisin)
Lalawiganin
tao sa sarili
INTRAPERSONAL
tao sa ibang tao
INTERPERSONAL
tao sa kaibigan/
katrabaho
CASUAL
tao sa pangnegosyo o
pampropesyonal na
ugnayan
CONSULTATIVE
tao sa isang grupo, pangkat o organisasyon
ORGANISASYONAL
tao sa madla
PAMPUBLIKO
tao sa mas malaki at malawakang sakop
PANGMASA
URI NG KOMUNIKASYON
Pasulat, Pasalita, at teknolohiya