MGA KONSEPTONG PANGWIKA Flashcards
➢Wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga
Pilipino.
➢Ang wikang magbubuklod sa mga mamamayan ng bansang
Pilipinas dahil sa kalagayang heograpikal nito.
WIKANG PAMBANSA
(1)Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa
iba pang mga wika.
(2) …. dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
medyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasy
Saligang Batas ng 1987 – Artikulo XIV, Seksyon 6
➢Wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
➢Ito ang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga
eskwelahan at ang wika sa pagsulat ng aklat at kagamitang
panturo sa mga silid-aralan.
WIKANG PANTURO
➢Ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na
talastasan ng pamahalaan.
➢Wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo
na sa anyong nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o
ahensya ng gobyerno.
WIKANG OPISYAL
(1) Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang
ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Saligang Batas ng 1987 – Artikulo XIV, Seksyon 7
➢Mula sa salitang Griyego na “mono” (isa) “lingua” (wika) at
“ismo” (pag-aaral)
➢Tumutukoy sa pag-aaral ng isang wika
➢Tawag sa mga bansa na nagpapatupad ng paggamit ng isang
wika bilang wikang opisyal at wikang panturo
MONOLINGGUWALISMO
➢Mula sa salitang Griyego na “bi” (dalawa) “lingua” (wika) at
“ismo” (pag-aaral)
➢Tumutukoy sa pag-aaral ng dalawang wika
➢Matatawag na bilinggwal ang isang tao kapag may katatasan
siyang gamitin ang ikalawang wika na kanyang natutunan na para
bang ito’y kanyang unang wika
BILINGGUWALISMO
“Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit
ng pambansang wikang Filipino. Hangga’t hindi
binabago ang batas, ang Ingles at Filipino ay
mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas.
”
SALIGANG BATAS NG 1937 Artikulo XV, Seksyon 2 at 3
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng
Kagawaran ng Edukasyon at Kultura na
nagtatakda ng panuntunan ng pagpapaunlad ng
Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN Blg. 25, S. 1974
➢Ayon kay Espique (2018), “Kakayahan ng isang indibidwal o grupo
ng mga tao na makapagsalita gamit ang tatlo o higit pang bilang
ng wika.”
➢Ayon kay Clint (2003), “Pagkakaroon ng kakayahang gumamit ng
maraming wika nang may parehong katatasan sa mga ito.”
Ang Pilipinas, ay isa sa mga bansa na itinuturing na
_______ sa kadahilanang may mahigit 180 na
wika at mga wikain ang mga Pilipino sa Pilipinas.
multilingguwal
Para sa kindergarten at sa unang tatlong (3)
taon ng edukasyong elementarya, ang pagtuturo,
mga materyal sa pagtuturo at pagtatasa ay sa
wikang rehiyonal o katutubo ng mga mag-aaral.
SALIGANG BATAS 10533(K to 12)
MTB-MLE
(Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education)
Naglalayong mapabuti ang wika ng mga magaaral at mapaunlad ang kanilang kakayahang
kognitibo at kamalayang sosyo-kultural
DEPED ORDER NO. 28, S. 2013