GAMIT AT TUNGKULIN NG WIKA SA LIPUNAN Flashcards
Ginagamit ang wika upang
tumugon sa mga
pangangailangan ng tao gaya
ng pakikipag-ugnayan sa iba. (Halimbawa: pakikiusap, paguutos)
INSTRUMENTAL
Ginagamit ang wika sa
pagpapahayag ng sariling
opinyon o kuro-kuro sa
paksang pinag-uusapan. (Halimbawa: Pormal o di pormal na talakayan, debate o pagtatalo at liham sa patnugot)
PERSONAL
Ginagamit ang wika sa pakikipagugnayan ng tao sa kanyang kapwa.
Nakapagpapanatili at nakapagpapatatag
ng relasyong sosyal. (Halimbawa: Pormulasyong panlipunan, Pangungumusta,
Pagpapalitan ng biro, Pag-anyaya sa pagkain,
Pagpapatuloy sa bahay.)
INTERAKSYONAL
Gamit ng wika na tumutukoy sa
pagkontrol sa ugali o asal ng
ibang tao. (Halimbawa: Pagbibigay ng Direksyon, Paalala, Babala, Panuto sa Pagsusulit, Resipe)
REGULATORI
Ginagamit ang wika upang
magpaliwanag (Halimbawa: Pagpapaliwanag, Paglalahad ng dahilan, Paglilipat ng mensahe, Paglalahad ng proposisyon.)
REPRESENTASYONAL
Ginagamit ang wika sa pagkuha
o paghahanap ng
impormasyong may kinalaman sa
paksang pinag-aaralan. (Halimbawa: Pagtatanong, Pakikipanayam, Sarbey
,Pananaliksik.)
HEURISTIK/HEURISTIKO
Ginagamit ang wika sa
pagbibigay ng impormasyon
sa paraang pasulat o pasalita. (Halimbawa: Pag-uulat
* Pagtuturo
* Ulat
* Pananaliksik
* Pamanahong Papel)
IMPORMATIB
Ginagamit ang wika sa
pagpapahayag ng
imahinasyon sa malikhaing
paraan. (Halimbawa: Pagsasalaysay
* Paglalarawan
* Akdang Pampanitikan
(Kwento, Tula, Dula,
Nobela, Sanaysay
atbp.))
IMAHINATIBO
Sa pamamagitan ng wika, nagagawa ng tao na hikayatin ang kanyang kausap para kumilos ayon sa kanyang nais.
Conative
Sa larangan ng pananaliksik, ang batayan o sanggunian ay kinakailangang mapagkakatiwalaan.
Referential
Sa Ingles, tinatawag itong social talk or small talk.
Phatic
Pagbabanggit ng sariling saloobin o kabatiram, ideya at opinyon pati na ang paniniwala, pangarap, mithiin, at kagustuhan.
Emotive/Expressive
Instrumento sa paglalahad ng mga matatalinghaga at malikhaing iniisip ng tao.
Poetic
Ito ay ang paglinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga komento o kuro-kuro na maaaring hinango sas mga kodigo o batas
Metalingual