TEORYA NG WIKA Flashcards
Ang teoryang ito ay hango sa Bibliya na
makikita sa aklat ng Genesis 11:1-8.
BIBLIKAL (Tore ng Babel)
Nagsimula ang wika dahil sa panggagaya ng tao
sa mga tunog mula sa kalikasan. Ang mga
bagay sa kanilang paligid ay pinangalanan nila
gamit ang mga tunog na nililikha nito.
BOW-WOW
Ang wika ay mula sa tunog ng mga bagaybagay sa paligid na likha ng tao. Ang tunog
na ding-dong ay kumakatawan sa isang bagay
na “door bell
DING-DONG
Ang wika ay mula sa bulalas o ekspresyon ng mga
tao. Ito ang tunog na biglang nabigkas ng tao dahil
sa kanyang emosyon o damdamin.
(saya, takot, sakit, galit, gulat, lungkot)
POOH-POOH
Ang wika ay mula sa tunog na nalikha ng tao
dahil sa paggamit niya ng kanyang lakas,
gawain, pagkilos, at pwersang pisikal
YO-HE-HO
Nakabubuo ng tunog ang tao dahil sa panggagaya
ng ating dila sa mga pagkumpas o paggalaw ng
mga kamay. Ang mga tunog na ito ay kalaunang
naging mga salita. Tinatawag din itong ‘ta-tana’ sa
wikang Pranses.
TA-TA
Ang wika ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na
kanilang nilikha sa mga ritwal. Ang mga
tunog na ito ay nagpabago-bago at nalapatan
ng iba’t ibang kahulugan
TA-RA-RA-BOOM-DE-AY
Iminungkahi ni Jesperson, isang linggwista, ang
wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa,
panliligaw, pagkausap sa sarili, at iba pang
bulalas-emosyunal. Sinasabi rin niya na ang mga
bulalas na ito ay higit na mahaba at musikal.
SING-SONG
Hawig ito sa teoryang pooh-pooh. Ayon kay Revesz, ang
wika ay bunga ng pakikipagkontak o pakikipag-ugnayan
ng tao sa kaniyang kapwa. Nagmula ito sa mga tunog na
nagbabadya ng pagkakilanlan (Ako!) at pagkabilang
(Tayo!). Napabubulalas din ang tao bilang pagbabadya
ng takot, galit, o sakit. Tinatawag ding teoryang kontak.
HEY YOU!
Katulad ng teoryang ta-ta. Isinasaad ng teoryang ito
na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng
pagkumpas ng alinmang bagay na
nangangailangan ng aksyon. Ang pagtugong ito ay
isinasagawa ng bibig ayon sa posisyon ng dila.
YUM-YUM
ula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig
ng pinakamahahalagang bagay. Halimbawa ng mga
sanggol na hindi masasabi ang salitang mother,
mommy, inay ngunit dahil ang unang pantig ng salita
ang pinakamahalaga, una niyang nabibigkas ang
mama.
MAMA
Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha
ng mga sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang
ginaya ng mga matatanda bilang
pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid.
COO-COO
Ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang
bulalas ng tao. Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang
daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang
kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga
bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng
mga iyon.
BABBLE LUCKY
Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng
wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o
relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang
mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog na
kalaunan ay naging pangalan ng bawat hayop.
HOCUS POCUS
Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw
na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga
arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na
bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na
iyong kumalat sa iba pang tao at nagging kalakaran sa
pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003)
EUREKA