From Long Quiz Part 3 Flashcards
Inumin mo ang gamot na ito tatlong beses sa isang araw at kumain ka sa tamang oras.
Regulatori
Ano po ang masasabi niyo sa mga bumabatikos sa kasalukuyang administrasyon ng pangulo?
Heuristik
Masakit sa akin na ikaw ay mawala ngunit kung diyan ka magiging masaya, sige malaya ka na.
Personal
Alin sa Cebu, Davao o Maynila ang ang pinakadinarayo ng mga dayuhang turista?
Heuristik
Mas gusto ko ang paraan ng pamumuno ni Duterte ngayon kaysa sa nakaraang administrasyon
Personal
Nasaan ang bise presidente noong sinalanta ang kanyang probinsiya?
Heuristik
Kumusta ka na? Balita ko nakapasa ka raw sa entrance exam ng Philippine Military Academy. Binabati kita
Interaksyunal
Binabati kita ng maligayang kaarawan. Sana ay masaya ka sa araw na ito at matupad sana lahat ng hinihiling at pinagdadasal ng iyong puso.
Interaksyunal
Sumulat po ako sa inyo upang mag-aplay ng trabahong kaswal sa inyong tanggapan. Gusto ko po sanang makapag-ipon para sa aking pag-aaral sa kolehiyo. Anuman pong trabaho ang maari nyong ibigay sa akin ay akingpagbubutihan at gagawin ang lahat ng aking makakaya
Instrumental
Isang babae ang naging class valedictorian ng Philippine Military Academy (PMA) “Mabalasik” Class of 2019 na binigyan naman ng bahay at lupa sa kanilang graduation ng pangulo.
Impormatib
Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta: Sapagkat ako’y hindi makalimot… Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot sa kanyang at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama.
Imahinatibo
Galing ng Sisters of Mary, sumakay ka ng traysikel at bumaba sa San Isidro saka ka sumakay ng bus papuntang SM Seaside.
Regulatori
Mahal kong talaarawan, masaya ako ngayon sapagkat nakakuha ako ng perfect score sa aming lagumang pagsusulit sa KPWKP.
Personal
Katatapos ko po lamang sa haiskul at nagbabalak na mag-aral sa inyong pamantasan. Nais ko pong magpatala sa Kolehiyo ng Businesss Administration. Maaari po bang malaman kung kailan at saan kayo magbibigay ng pagsusulit sa mga bagong magpapatalang mag-aaral?
Instrumental
Ang Pilipinas ay ipinangalan kay Haring Philip II ng Espanya
Impormatib