WIKA 3 Flashcards
aspeto ng isang lipunan
kultura
wika
tradisyon
relihiyon
politika
ekonomiya
Tatlong katangian ng kultura
- Enkulturasyon (Enculturation)
- Akulturasyon (Acculturation)
- Sosyalisasyon (Socialization)
natututuhan ng isang tao ang kultura ng kanIyang lipunan mula sa kapanganakan hanggang sa pagtanda.
- paniniwala
- kaugalian
- tradisyon
- wika
ENKULTURASYON
MGA KATANGIAN NG ENKULTURASYON
Natural na Proseso
● kusa habang lumalaki ang isang tao at namumuhay sa kanyang komunidad.
Simula sa Kapanganakan
● mga aral at gawi na tinuturo ng magulang, guro, at iba pang nasa paligid.
Pakikisalamuha
● pakikipag-ugnayan sa mga tao at sa kapaligiran.
Pagpapasa ng Kultura
● maipasa ang kultura mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.
isang indibidwal o grupo ay nag-aangkop sa kultura ng ibang grupo o lipunan habang pinapanatili pa rin ang ilan sa kanilang
sariling kultura.
- migrasyon
- koloniyalismo
- globalisasyon.
AKULTURASYON
MGA KATANGIAN NG AKULTURASYON
- Pagbabago sa Kultura
○ nakikibagay sa mga paniniwala, kaugalian, o wika ng bagong kultura. - Pagpapanatili ng Sariling Kultura
○ Sa kabila ng pag-aangkop, maaaring patuloy na isinasabuhay ang mga aspeto ng sariling kultura. - Pwedeng Unilateral o Mutual
○ Maaaring ang isang grupo lamang ang nag-aangkop, o parehong grupo ang may impluwensyang tinatanggap mula sa isa’t isa. - Mahabang Proseso
○ Nangyayari ito sa loob ng mahabang panahon, lalo na kung malaki ang pagkakaiba ng mga kultura.
HALIMBAWA NG ENKULTURASYON
Sa Pamilya
● Ang bata ay natututong kumain ng lokal na pagkain, tulad ng adobo o sinigang, bilang bahagi ng kulturang Pilipino.
Sa Komunidad
● Natututo ang isang tao na ipagdiwang ang mga lokal na pista o magpasalamat sa pamamagitan ng bayanihan.
Sa Paaralan
● Pagtuturo ng wika, kasaysayan, at panitikan ng sariling bansa.
HALIMBAWA NG AKULTURASYON
Migrasyon
● Isang Pilipinong naninirahan sa Amerika ay maaaring matutong magsalita ng Ingles at mag-adapt sa Western lifestyle habang pinapanatili ang tradisyonal na pagkain tulad ng adobo o sinigang.
Kolonyalismo
● Sa Pilipinas, ang pag-aangkop ng mga Pilipino sa mga impluwensya ng Kastila, tulad ng Kristiyanismo, kasabay ng pagpapanatili ng lokal na tradisyon tulad ng pamamanata sa mga pista.
Pagkain
● Ang mga banyagang pagkain tulad ng pasta o sushi ay naiaangkop sa panlasang lokal, tulad ng sweet-style spaghetti ng Pilipino.
Relihiyon
● Isang imigrante na Muslim sa Europa ay maaaring mag-aangkop sa mga lokal na panuntunan ngunit
patuloy na nagsasagawa ng kanilang tradisyonal na ritwal.
proseso kung saan natututuhan
at isinasabuhay ng isang tao ang mga kaugalian, gawi, wika, paniniwala, at halagahan ng lipunang kanyang kinabibilangan.
SOSYALISASYON
MGA KATANGIAN NG SOSYALISASYON
Dynamic (Nagbabago)
● nagbabago at umaangkop batay sa bagong kaalaman at impluwensiya.
● Halimbawa: Ang pagsasama ng teknolohiya sa tradisyunal na gawi.
Shared (Ibinabahagi)
● naisasabuhay ng marami sa pamamagitan ng collective learning.
● Halimbawa: Ang pagsasagawa ng pagdiriwang tulad ng Pasko o Eid al-Fitr.
Learned (Napag-aaralan)
● Natututuhan ang kultura sa pamamagitan ng pag-aaral at pakikisalamuha sa
iba.
Kahalagahan ng Sosyalisasyon sa Kultura:
Pagpapasa ng Kultura
● Sa pamamagitan ng socialization, ang kultura ay naipapasa mula sa mga magulang, guro, at iba pang
nakatatanda patungo sa mga bata.
● Halimbawa: Ang pagtuturo ng wika, kaugalian, at ritwal tulad ng bayanihan o pagsisimba.
Pagbuo ng Identidad
● Natututuhan ng indibidwal ang kanyang pagkakakilanlan bilang bahagi ng isang partikular na kultura.
● Halimbawa: Ang pagiging bahagi ng kulturang Pilipino ay naisasabuhay sa pamamagitan ng paggalang
(mano), pakikisama, at pagmamahal sa pamilya.
Pagpapanatili ng Pagkakaisa
● Ang socialization ay tumutulong sa pagbuo ng mga kasanayan sa pakikipag-ugnayan na nagdudulot ng pagkakaisa sa lipunan.
● Halimbawa: Ang pakikilahok sa mga pampublikong selebrasyon tulad ng pista at Araw ng Kalayaan.
Pagsunod sa Mga Panuntunan ng Lipunan
● Itinuturo ng socialization ang mga batas at moralidad na sinusunod ng lipunan.
● Halimbawa: Ang paggalang sa matatanda o ang pagbibigay ng tamang respeto sa awtoridad.