WIKA 2 Flashcards
ipinakikita ang interaksyon ng pamahalaan at lipunan, at kung paano naiimpluwensyahan ang isa’t isa, mula
sa malalaki hanggang sa maliliit na antas o level
SOSYO-POLITIKAL
Pagiging Malikhain at Maparaan:
- kilala sa kahusayan sa sining, musika, sayaw, at iba pang anyo ng sining.
- gumamit ng mga likhaing-kamay tulad ng paggawa ng mga kasuotan, kagamitan, at dekorasyon.
Halimbawa:
- mga pagkaing left-over, nagagawan pa ng paraan
- ukay-ukay
- recycled materials na ginagamit pa
Pakikisama (o Pakiki-sama?):
- pagiging mapagbigay at magiliw sa ibang tao.
- pagbibigay ng tulong at pagtanggap sa
mga panauhin ng mabuti, o kaya naman ay pakikibagay sa mga taong kasalamuha.
Halimbawa:
- paghuhugas ng mga pinagkainan kapag nakikain o nakikituloy lang
- pagsama sa mga katrabahong kakain sa labas o pa-party (bonding)
- pakikipaglaro, paggawa sa mga hilig ng kaibigan, katrabaho, o
kakilala para walang masabi
Pakikiramay:
- pagpapakita ng empatiya at pagkalinga sa kapwa, lalo na sa mga panahon ng kalungkutan o pagdadalamhati.
Halimbawa
- pagdalo sa libing
- pagbigay ng bulaklak
- pagbibigay ng suporta sa mga naulila
Pagpapahalaga sa Pamilya:
- pinakamahalagang haligi ng kulturang Pilipino ang pamilya.
- pagpapahalaga sa mga kaanak at pagbibigay ng suporta sa bawat isa.
Halimbawa
- kasal
- binyag
- kaarawan
Pagiging Relihiyoso:
- katoliko, at ang relihiyon ay naglalarawan ng maraming aspeto ng kanilang kultura.
Halimbawa
- Pasko
- Semana Santa
Pagiging Gastador sa Pagkain:
- pagiging maluho sa pagkain.
- masasarap na pagkain at pagtangkilik sa handaan.
Bayanihan:
- pagtutulungan at pagkakaisa sa mga komunidad.
Pagpapahalaga sa Edukasyon:
- susi sa magandang kinabukasan at tagumpay.
Pagiging Resilient, Matiisin, Masayahin at Palabiro:
- kanilang positibong pananaw at kakayahan na magpaligaya sa
kabila ng mga hamon ng buhay.
Pagiging Mapagpasalamat:
- magpasalamat at magpahalaga sa mga biyaya at magandang karanasan.
Pagiging magiliw at maligaya sa pakikisalamuha:
- makisalamuha at makipagkaibigan
- kadalasang pinapaligaya nila ang iba sa
pamamagitan ng kanilang kabaitan at kagandahang-loob.
Pagtanaw ng Utang na Loob:
- kilalanin at pasalamatan ang mga taong nagbigay sa kanila ng tulong, serbisyo, o kabutihan sa anumang paraan.
Ano ang mga TATAK PILIPINO
- Pagiging Malikhain at Maparaan
- Pakikisama
- Pakikiramay
- Pagpapahalaga sa Pamilya
- Pagiging Relihiyoso
- Pagiging Gastador sa Pagkain
- Bayanihan
- Pagpapahalaga sa Edukasyon
- Pagiging Resilient, Matiisin, Masayahin at Palabiro
- Pagiging Mapagpasalamat
- Pagiging magiliw at maligaya sa pakikisalamuha
- Pagtanaw ng Utang na Loob