WIKA Flashcards
Isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng
pagsasalita at pagsulat.
Wika
Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Henry Gleason
proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o
di-berbal.
Bernales et al. 2000
may mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan, ginagamit itong midyum upang maihatid at
matanggap nang maayos ang mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
Mangahis et al. 2005
isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.
Constantino at Zafra (2000)
Parang hininga ang wika, ginagamit natin ito upang kamtin ang bawat pangangailangan natin
Bienvenido Lumbera 2007
Nagiging mabisa ang komunikasyon at
pag-uusap dahil sa sistematikong
pamamaraan ng pagsasaayos ng mga titik at
salita. Mayroong sinusunod na pamantayan
o mga hakbang upang makabuo ng mga
salitang gagamitin. Kapag nakabuo ng mg
salita, maaari na itong ayusin bilang
parirala, pangungusap, o talata.
Masistemang balangkas
Ang wika ay may tiyak na ayos na sinusunod upang makabuo ng kahulugan at maunawaan.
Masistemang Balangkas
Maliban sa pasulat na paraan, ang
wika ay sinasalita rin. At kapag
sinasalita, mayroong tunog na
nabubuo. Sa pamamagitan ng pagbuo ng
tunog, nalalaman ang emosyon at
kahulugan ng salita. Sa intonasyon
nababatid ang dagdag na kahulugan ng
tao sa isang salita
Sinasalitang tunog
Unang natutuhan ang
wika sa mga tunog na
naririnig, hindi sa mga
titik na nababasa.
Sinasalitang tunog
Upang magkaroon ng
pagkakaunawaan,
kailangang pumili ng
parehong wika upang
magkainitidihan.
Pinipili at isinasaayos
Hindi maaaring ipagpilitang gamitin ang isang wikang hindi naiintindihan ng ating kausap at ganoon din ang ating kausap, hindi niya maaaring ipilit ang wikang hindi natin batid.
Pinipili at isinasaayos
Kailangang pumili tayo o ang ating kausap ng komong wika kung saan magkakaunawaan
Pinipili at isinasaayos
Sumasalamin ang wika sa pagkakasundo
ng mga tao sa ilang lugar.
Napagkakasunduan ng mga mamamayan ang
pangunahing wikang gagamitin nila.
Saklaw nito ang mga salitang gagamitin
sa kanilang kabuhayan, edukasyon,
pagkain, at pagpapalaganap ng kultura
at tradisyon.
Arbitraryo
Indikasyon din na kung hindi
nauunawaan ng isang tao ang
wikang sinasalita ng mga tao sa
isang lugar ay hindi siya
bahagi ng kanilang pamayanan at
isa lamang itong dayuhan.
Arbitraryo