KAKAYAHANG PANGWIKA Flashcards
Paliwanag sa kakayahan ng tao na mabisang magamit ang wika. Pangunahing tagapagsulong nito si Noam Chomsky.
Kakayahang Lingguwistiko
Natural na kaalaman ng tao sa Sistema ng kaniyang wika, dahilan kaya nagagamit niya ito nang tama at mabisa.
Kakayahang Lingguwistiko
Responsable sa natural na pagkatuto at paggamit ng wika.
Language Acquisition Device
Dahil dito, nagagawa ng taong masagap ang wika, maintinidhan at magamit ito, at matiyak na tama ang ayos nito upang madaling maintindihan.
Language Acquisition Device
Ang pangunahing tagapagsulong ng kakayahang lingguwistiko. Isinilang noong 1928 at isang lingguwista.
Noam Chomsky
Dahil dito, nagagawa ng isang taong makalikha o makabuo ng mga pahayag na may wasting tunog, wastong pagkakabuo at pagkakasunod-sunod ng mga salita, at angkop na kahulugan sa paraang natural.
Kakayahang Lingguwistiko
Kakambal ng kakayahang lingguwistiko. Ang aktuwal na paggamit.
Pagpapamalas lingguwistiko (Linguistic Performance)
Ay ang pagkakamali sa sinasabi o isinusulat dahil sa pamamayani ng isang kaisipan na sinubok itago sa bahaging subconscious o unconscious na isip.
Freudian Slip
Ito ang dahilan kung bakit kahit malinaw naman ang nakasulat, minsan ay namamali ang tao sa kanyang binabasa at iba ang lumalabas sa kanyang bibig; o may ibang pangalan siyang natatawag
Freudian Slip
Ayon sa kanya, hindi lamang dapat sinasaklaw ng kasanayan ang pagiging tama ng pagkakabuo ng mga pangungusap kundi ang pagiging angkop ng mga ito, depende sa sitwasyon.
Dell Hymes
Isa siyang lingguwista at antropologo
Dell Hymes
Dapat alam ng tao, hindi lamang ang tamang ayos ng sasabihin, kundi kailan dapat o hindi dapat sabihin; ano lamang ba ang pwedeng pag-usapan; kanino lamang ito puwedeng sabihin; saan sasabihin; at paano sasabihin.
Kakayahang Komunikatibo
Apat na kakayahan na nasa ilalim ng Kakayahang Komunikatibo
Kakayahang Panggramatika, Kakayahang Sosyolingguwistiko, Kakayahang Estratehiko, Kakayahang Pandiskurso
Kaalaman sa kayarian ng mga tunog, salita, pangungusap, at pagpapakahulugan ng isang wika. Ito ang katumbas ng kakayahang lingguwistiko ni Chomsky.
Kakayahang Panggramatika
Kakayahang gamitin nang angkop ang wika depende sa sitwasyon. Hindi lamang ito
nakatuon sa pagiging tama ng kayarian ng
pahayag kundi sa pagiging nararapat nito,
depende sa kung sino ang kausap, saan
nagaganap ang usapan, ano ang gamit sa
pakikipag-usap, at kailan ito nagaganap.
Kakayahang Sosyolingguwistiko