Antas ng Pag-unlad ng Wika at Mga Gamit ng Wika Flashcards
Ayon kay Halliday (2003) ang pag-unlad ng wika ay dumaraan sa tatlong antas. Ano ang mga antas na ito?
Antas protowika, antas Transisyonal, Antas ng maunlad na wika
May mensaheng dapat
maipaunawa ang tao sa kaniyang
kapwa, lalo na sa yugtong wala pa
siyang kakayahang asikasuhin
ang sarili at gawin ang mga bagay
nang mag-isa.
Antas Protowika
Sa antas na ito, gumagamit
siya ng mga kilos na may
tiyak na ibig sabihin upang
magpahayag, gaya ng
pag-iyak kapag nagugutom.
Antas ng Protowika
Sa antas ng protowika, nalilinang ang apat na gamit ng wika. Anu-ano ang mga ito?
Instrumental, regulatori, interaksiyonal, personal
“Gusto ko”
Instrumental
“Gawin mo ang sinasabi ko sa iyo”
Regulatori
Ako at ikaw
Interaksiyonal
Narito na ako
Personal
nagpapahayag ng mga
pangangailangan o
kagustuhan ng isang batang
dapat matugunan.
Instrumental
pag-iyak ng bata kapag
siya’y gutom na upang siya’y
pasusuhin o ang
pagka-aburido upang
ipahayag na naihi siya at
nangangati dahil dumikit na
ang ihi sa balat.
Instrumental
pagpapahayag ng
mensahe na tila
kumokontrol sa kilos ng iba.
Regulatori
ang pagtataas ng mga
braso ng bata upang buhatin
siya ng kanyang
tagapag-alaga, o ang
paghahabol sa isang tao
upang hindi ito umalis.
Regulatori
gamit ng sanggol upang
lumikha ng ugnayan sa
ibang tao o patibayin ang
relasyong mayroon sila.
Interaksiyonal
Ang paghiga ng bata
sa dibdib ng kanyang
tagapag-alaga upang
iparamdam na komportable
siya rito o mahal niya ito.
Interaksiyonal
ginagamit naman ng bata
ang wika upang ipakilala
kung sino siya.
Personal
Ang agad na pagtayo ng
isang batang natumba nang
sumusubok lumakad at hindi
pag-iyak kahit nasaktan na
nagpapakilala ng kanyang
tapang.
Personal
Ang unang apat na gamit ng
wika ay kinasasangkapan ng
isang lumalaking sanggol upang
matugunan ang kanyang mga
pangangailangang pisikal,
emosyonal, at sosyal.
Antas Protowika
Ang unang apat na gamit ng
wika ay kinasasangkapan ng
isang lumalaking sanggol upang
matugunan ang kanyang mga
pangangailangang _____________
Pisikal, emosyonal, sosyal
Maaari na talagang sabihin
ng bata ang “Milo, Milo” para
ipahayag na gusto niya ng
inuming tsokolate.
Instrumental
Hilahin ang kamay ng ina
palabas ng bahay habang
sinasabi ang “Bili! Bili!” para
pilitin itong sumama sa
tindahan at bilhin ang
kanyang ipinagbibili.
Regulatori