Talumpati: Module 13-15 Flashcards
Naglalayon itong makahikayat o mangatwiran sa mga napapanahong isyu o isang partikular na paksa pasulat man o sa paraang pagbigkas.
Talumpati
Komunikatibong pasalita na isinasagawa sa pampublikong lugar na may layuning makapaglahad ng mga impormasyon at opinyon, makapagpaliwanag, mang-aliw, o manghikayat na tumutuon sa iisang paksa.
Talumpati
Ipabatid ang pagsang-ayon, pagtugon, o pagbibigay ng impormasyon sa mga tagapakinig.
Layunin ng talumpati
Karaniwang ang talumpati ay binibigkas ng tagapagsalita sa isang _____ at mga _____.
Entablado at mga panauhing pandangal.
Dahil sa mabisa at malikhaing pagkakagawa ng mga talumpati ng mga kilalang personalidad kabilang ang mga politiko, iskolar, eksperto sa isang uri ng paksa, at iba pang panauhin, itinuturing ito na isang _____.
Sining ang isang talumpati.
May ilang uri ng talumpati ayon sa layunin?
Tatlo
Uri ng Talumpati ayon sa Layunin
Talumpating nagbibigay-impormasyon.
Talumpating nanghihikayat.
Talumpating nagtataguyod ng pagbubuklod-buklod ng lipunan.
Nagpapaliwanag, nag-uulat, naglalarawan, nagbibigay-kahulugan, nagpapakita ng kaganapan, at nagbibigay-liwanag sa isang paksa.
Talumpating nagbibigay-impormasyon.
Layuning mapaigting, mabago, maimpluwensiyahan o mapatotohanan ang mga saloobin, paniwala o emosyon ng tagapakinig.
Talumpating nanghihikayat.
Naglalayong maiangat ang damdamin ng pagbubuklod-buklod, pagkakapatiran, at pagkakaisa.
Talumpating nagtataguyod ng pagbubuklod-buklod ng lipunan.
May ilang uri ng talumpati batay sa kahandaan?
Dalawa
Uri ng Talumpati Batay sa Kahandaan
Paghahanda o Prepared Speech
Biglaang Talumpati
Isinulat at kinabisa ng isang tagapagsalita sa partikular na panahon o oras. Gumugol ang tagapagtalumpati ng oras upang isulat at saliksikin ang impormasyon ng kaniyang paksa. Naghanda rin ang tagapagtalumpati kung paano bibigkasin ang kaniyang talumpati.
Paghahanda o Prepared Speech
Isinulat at/o binigkas din ng parehong araw at agad-agad. Wala nang pagkakataon ang magsasalita na magsanay at saliksiking maigi ang kaniyang talumpati.
Biglaang Talumpati
Sinulat sa anyong pasanaysay at binabasa nang buong lakas sa harap ng mga tagapakinig.
Talumpating Binabasa
Inihanda ang kabuoan sa anyong pasanaysay ngunit ito ay isinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
Talumpating Isinaulo
May paghahanda sa balangkas, mula sa panimula hanggang wakas ngunit ang mga paliwanag bilang kataway ay nakasalalay na sa tagapagsalita. Ginagawa ito ng isang tagapagsalitang may sapat nang karunungan sa paksa. Nabibigyan-pansin ng tagapagtalumpati ang pangangailangan ng mga tagapakinig ukol sa paksa.
Talumpating Ekstemporaryo