Pagbubuod at Pag-uugnay ng mga Ideya at Datos sa Akademikong Pagsulat: Module 7 Flashcards
Isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing punto,
kadalasan ay piksyon.
Lagom o Sinopsis
Karaniwang di-lalampas sa dalawang pahina.
Lagom o Sinopsis
Ito rin ang ginagamit sa mga panloob at panlabas ng
pabalat ng isang nobela (jacket blurb).
Lagom o Sinopsis
Siksik at pinaikling bersiyon ito ng teksto.
Buod
Ang teksto ay maaaring nakasulat, pinapanood o
pinakikinggan.
Buod
Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos.
Buod
Mahalagang tutukan ang lohikal at kronolohikal na daloy ng mga ideya.
Buod
Tinatawag itong paraphrase sa Ingles. Mula sa salitang
Griyego (Latin-paraphrasis: dagdag o ibang paraan ng
pagpapahayag).
Hawig
Inilalahad sa sariling pangungusap ang isang partikular o ispesipikong ideya o impormasyon.
Hawig
Inilalahad sa isang bagong anyo o estilo. Isa itong paraan upang hindi laging sumisipi.
Hawig
Mula sa salitang sa lumang Pranses na ang kahulugan ay pinaikli.
Presi
précis
Ito ang buod ng buod, maikli kaysa sa buod.
Presi
Ito ang buod ng pinakamahahalagang punto, pahayag, ideya at impormasyon.
Presi
May malinaw na paglalahad, kompleto, may kaisahan, at magkakaugnay ang ideya.
Presi
Siksik sa dalawa o tatlong pangungusap ang pangkalahatang puntos.
Presi