Syntesis: Module 9-10 Flashcards
Pagsasama-sama ng mga ideya na mula sa iba’t ibang pinanggalingan sa isang sanaysay o presentasyon.
Sintesis
syntithenai
sama-samang ilagay
Tama o Mali: Ang sintesis ay isang paglalagom, paghahambing o isang rebyu.
Mali. Ito ay hindi paglalagom.
Ito ay resulta ng integrasyon ng napakinggan, nabasa o ang kakayahan ng isang tao na magamit ang natutuhan upang mapaunlad at masuportahan ang pangunahing tesis o argumento.
Sintesis
Bahagi ng metodong diyalektal ni ___ ang sintesis sa larangan ng pilosopiya.
Georg Wilhelm Friedrich Hegel
Isang anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa maikling pamamaraan upang ang sari-saring datos mula sa iba’t ibang pinanggalingan ay mapagsamasama at mapag-isa tungo sa isang malinaw na kabuoan o identidad.
Sintesis
Mula sa prosesong ito, kung saan tumutungo sa ___ ng mga ideya ay makabubuo ng bagong ideya.
Sentralisasyon
Ano ang kabaligtaran ng sintesis?
Analisis
(Kung ang una ay paghihiwalay
ng mga ideya upang suriin ang huli, ang sintesis naman ay pagsasamasama ng mga ideya tungo sa pangkalahatang kabuoan).
Kahulugan ng paghihimay?
Analisis
syn
kasama
Simulan sa isang paksang pangungusap na magbubuod o magtutuon sa pinakapaksa ng teksto
Banggitin ang mga sumusunod
1. Pangalan ng may-akda
2. Pamagat
3. Impormasyon tungkol sa may-akda, teksto, at paksa
Introduksiyon
a. Organisahin ang mga ideya upang masuri kung may nagkakapareho. Gumawa ng isang Sintesis Grid.
b. Suriin ang koneksiyon ng bawat isa sa paksa at pangunahing ideya.
C. Simulan sa pangungusap o kataga ang bawat talata.
d. Ibigay ang mga impormasyong mula sa iba’t ibang batis
e. Gumamit ng angkop na mga transisyon at paksang pangungusap at banggitin ang pinagkunan.
f. Gawing impormatibo ang sintesis. Ipakita ang mga pagkakapareho at pagkakaiba
g. Huwag maging masalita sa sintesis.
h. Maging matapat sa teksto, kinapanayam, o pinagkunan ng impormasyon
Katawan
Ibuod ang nakitang mga impormasyon at pangkalahatang koneksiyon ng iba’t ibang pinagsamang ideya. Magbigay ng komento.
Konklusyon