Study Guide 4 Flashcards
Ilahad ang mga pinakabatayang impormasyón tungkol sa pamilyang pinagmulan ni José Rizal:
Ano ang buong pangalan ni Rizal?
José Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda
Magulang ni Rizal?
Francisco Mercado Rizal at Doña Teodora Alonso
Saan isinilang si Rizal?
Hacienda de Calamba, Laguna
Parehong taga- Biñang ang mga magulang ni José, ngunit dumayo at Calamba.
Kialan ipinangak si Jose Rizal?
Hunyo 19, 1861
Detalye tungkol sa ama ni Rizal
Ang angkan ng ama ni José, ang mga Mercado, ay mga mangangalakal (gaya ng sinasabi ng kanilang apelyido) bago napunta sa agrikultura. Tatlong beses na nagsilbing gobernadorcillo ng Biñang ang ama nitong si Don Juan Mercado.
Lumipat si Don Francisco Mercado sa Calamba at umupa sa mga lupaing pagmamay-ari ng mga prayleng Dominikano. Ayon kay Schumacher (1991, 18), lampas 390 ektarya ang lupang inuupahan ng mga Mercado noong dantaon 19. Nakapagpatayo siya ng dalawang bahay-na-bato malapit sa simbahan, nag-ari ng karwahe at aklatan, at nakapagpadala ng mga anak sa Maynila at Espanya para mag-aral. Bukod sa pagsasaka, lumalahok rin ang mga Mercado sa pulitikang lokál, na pribilehiyo ng mga may ari-arian at nakapag-aral.
Detalye tungkol sa Nanay ni Rizal
Higit na distinggido at edukado ang mga Alonso. Ayon kay José, “dating kinatawan sa Cortés” ang ama ni Doña Teodora na si Don Lorenzo Alberto Alonso. Parehong naging gobernadorcillo ng Biñang sina Don Lorenzo Alberto at ang ama nitong si Don Cipriano. Ang lolo sa ina ni Doña Teodora, si Don Manuel de Quintos ay isang kilalang abogado sa Maynila. Si Don Jose Alberto, kapatid ni Teodora, ay caballero ng Orden de la Isabela Católica. Nag-aral siya sa Europa at marunong magsalita ng Espanyol, Pransés, Alemán, at Inglés. Nag-aral si Doña Teodora sa Colegio de Santa Rosa sa Maynila. Ayon mismo kay José, isa siyang matemátika at una niyang guro sa pagkatha sa wikang Espanyol.
Pang ilan si Rizal sa magkakapatid
Pampito si José sa labing-isang magkakapatid: Saturnina (1850),
Paciano (1851),
Narcisa (1852),
Olimpia (1855),
Lucía (1857),
María (1859),
José (1861),
Concepción (1862),
Josefa (1865),
Trinidad (1868) at
Soledad (1870).
Saan nag-aral ang mga babaeng kapatid ni Rizal
Colegio de la Inmaculada Concepción (“Concordia”)
Saan nag-aral si Paciano
Colegio de San Jose ngunit kinailangan niyang huminto at umuwi dahil matalik siyang kaibigan ng pinaslang na P. José Burgos.
Ano qng estado sa lipunan ng pamilya ni Rizal
Ang mga Mercado Rizal ay inquilino (umuupa at nagsasaka ng malawak na lupaing agrikultural), principál (nakakaboto, humahawak ng posisyon sa pamahalaang lókal, nangongolekta ng buwis, at prominente), at ilustrado (nagkamit ng pormal na edukasyón).
Saan unang minahal ni Rizal ang karunungan?
Sa tahanan ng Mercado Rizal unang minahal ni José ang karunungan (e.g. may pribadong aklatan na may higit sa 1,000 aklat; pinag-aral silang magkakapatid sa mga colegio at sa kaso ni Jose, maging sa universidad).
Naroon din ang mga pinakamaaga niyang karanasan sa paglikha at pagkatha. Natuto siyang gumuhit, magpinta at maglilok sa bahay-kubong palaruan nila, na nakatirik sa malawak nilang bakuran. Marapat bigyang-diin na sining at panitikan ang gagamitin niyang midyum sa pagpapahayag ng kanyang patriotismo at nasyonalismo sa hinaharap).
Ilahad ang mga pinakabatayang impormasyón tungkol sa edukasyon ng batang Rizal.
1870-Sa gulang na 9 na taon, iniwan ni José ang Calamba upang mag- aral sa Biñan.
1872-Pagkaraan ng dalawang taon, nagtungo siya sa Maynila at nag- aral sa Ateneo Municipal de Manila (1872- 1877).
Mahalagang impluwensya sa edukasyón at pagkatao ni Rizal ang mga Heswita (“utang niyang halos lahat…”).
Bago pa man pumasok sa Ateneo, madasalin at debotong Katoliko na si Rizal dahil sa kanyang ina. Sa Ateneo, naging kasapi siya ng Cofradía de Nuestra Señora (Sodality of our Lady) at Apostolado de la Oración (Apostleship of Prayer).
Sa Ateneo, napukaw ang interés niya sa literatura at historia. Si P. FRANCISCO DE PAULA SANCHEZ, SJ ang naghasa sa kakayahan niyang sumulat ng mga TULA AT DULA. Ayon kay Rizal, “umunlad ang kanyang sentimyentong patriotiko” sa huling niyang taon sa Ateneo (cf. papel ng mga colegió sa paggising patriotismo at naciónalismo sa nakaraang lektura).
Nakamot ni Rizal ang kanyang _______ sa Ateneo sa gulang na 15.
Bachiller en Artes
Si Rizal ang pinakamahusay na mag-aaral sa ____ (bilang) na mag-aaral na nagtapos noong _______
12, 1877
Pumasok sa anong unibersidad si Rizal noong 1877?
Universidad de Santo Tomás (1877-1882).