Study Guide 3 Flashcards

1
Q

Ano ang nasyon?

A

Nagmula ang nasyon sa Latin na nasci (“ipanganak”)

Sa KULTURAL na pakahulugan, isang grupo ng tao na pinagbubuklod ng wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan.

Magkaganito man, may iba’t ibang antas ng pagkakaiba-ibang etniko, kultural at rasyal sa loob ng mga nasyon (Heywood 2002, 106).

Sa PULITIKAL na pakahulugan, isang grupo ng tao na na nagtuturing sa sarili na isang pulitikal na komunidad. Kaakibat ng pagiging pulitikal komunidad ang pagkakaroon ng pulitikal na aspirasyon (e.g. pakikipaglaban para sa independensya at pagtatatag ng sariling estado).

Ang pagkakaroon ng PULITIKAL NA ASPIRASYON ang nagpapaiba sa nasyon at pangkat- etniko (ethnic group).

Sa SIKOLOHIKAL na pakahulugan, isang grupo ng tao na may parehong katapatan at pag-ibig sa kinabibilangang bayan (patriotismo). Isa itong “siko-pulitikal na konstrak” (psycho-political construct) (Heywood 2002, 106).

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Saan inuugat ang dalumat ng nasyon?

A

Bilang “mga hinirayang komunidad” (imagined communities).

Ayon sa siyentistang pulitikal at historyador na si Benedict Anderson(1983, 6-7), ang nasyon ay “isang komunidad na binuo ng isang lipunan, hiniraya ng mga taong nagtuturing sa kanilang sarili na bahagi ng pangkat na iyon”.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ano ang pagkakaiba ng patriotismo at nasyonalismo?

A

May katangiang DOKTRINAL ang nasyonalismo – kinakatawan nito ang paniniwala na ang nasyon ang pinakaimportanteng organisasyong pulitikal.

Nagmula ang patriotismo (damdamin at debosyon sa bayan) sa Latin na patria (lupang tinubuan). Patriotismo ang BATAYAN (basis) ng iba’t ibang anyo ng nasyonalismo. Halimbawa, ang pagnanais na lumaya at magtayo ng sariling estado ay mahirap isulong nang walang pinagbabatayang katapatan o kamalayang makabayan (patriotic consciousness). Ngunit hindi lahat ng patriota ay nasyonalista. Hindi naman kasi lahat ng nagmamahal sa nasyon ay itinuturing itong paraan upang magsulong ng layuning pulitikal.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Ano ang estado?

A

Isang anyo ng PULITIKAL na organisasyon na nagtataglay ng mga sumusunod na elemento: (a) teritoryo; (b) populasyon; (c) gobyerno; at (d) soberanya.

Ang gobyerno ang makinarya at organisasyong ginagamit ng estado sa paggawa, pagpapatupad, at pagpapasya ng mga batas ng estado.

Ang estado ang may kapangyarihang soberano, hindi ang gobyerno. Ginagamit lang ng gobyerno ang kapangyarihan nito sa ngalan ng estado.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Ano ang nasyon-estado?

A

Isang estado ng, at para sa, isang partikular na nasyon” (Brubaker 1996). Ibig sabihin, sa nasyon- estado, nagtutugma ang mga hangganan (boundaries) ng pamamahala at nasyonalidad (nationality). Hindi lamang ito isang anyo ng pulitikal na organisasyon kundi isa ring IDEYAL. Bagama’t madalas napagpapalit ang “gobyerno” at “estado” sa mga karaniwang usapan, magkaiba ang dalawang ito.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Paano nakapasok ang mga banyagang dalumat na ito sa kamalayang Pilipino?

A

Nakarating ang dalumat ng nasyon (nación) at nasyonalismo (naciónalismo) sa pamamagitan ng mga LIBERAL MULA ESPANYA AT AMERIKA (Salazar 1997). Kasabay na pumasok ng nasyonalismo ang iba pang progresibong ideolohiya at teknolohiya.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Bakit natin kailangang pag-aralan ang dantaon 19? Bakit hindi na lamang tayo dumako agad sa pag-aaral ng buhay ni Rizal?

A

Bago natin suriin ang talambuhay ni Rizal,

kailangan muna nating maintindihan ang kanyang lipunan-at- panahon. Ito ang lipunang kolonyal na humubog sa mga kaisipan at prinsipyong isinabuhay at ipinaglaban niya.

Iginiit ng Heswitang historyador na si John Schumacher S.J. (1991) na dapat suriin ang mga pahayag at ang kaisipan ni Rizal sa wasto nitong KONTEKSTONG PANGKASAYSAYAN upang MAINTINDIHAN NATIN ANG TUNAY NA KAHULUGAN at KABULUHAN ng mga ito sa atin.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Bakit tinutunton ang pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino sa dantaon 19?

A

Natatangi ang dantaon 19 bilang kontekstong historikal ng pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. Ibig sabihin, may mga pampulitika, pang-ekonomiya, pangkultura, panlipunan at panrelihiyon na nagbigay-daan sa paglitaw nito sa panahong iyon ng ating kasaysayan.

Sa aspetong pang-EKONOMIYA, krusyal ang PAGBUBUKAS ng Pilipinas sa KALAKALANG PANDAIGDIG. Sa pagkakaugnay natin sa pandaigdigang merkado, NAGLUWAS ang Pilipinas ng mga produktong agrikultural na kailangan ng Kanluran. Umunlad ang isang ekonomiyang nagluluwas ng mga produkto (export economy).

Umusbong ang isang CLASE MEDIA na binubuo ng mga indio at mestizong Tsino na nakilahok sa kalakalan. Nagdulot rin ng TENSYON sa pagitan ng mga HACENDER (may-ari ng lupa) at INQUILINO (umuupa ng lupa) ang yamang dala ng pakikipagkalakalan sa Europa at Amerika. Nakatulong rin ang pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon sa PAGBUBUKLOD ng mga mamamayan ng Pilipinas.

Sa aspetong PULITIKAL naman, nahirapan ang Espanya na bumalangkas ng KONSISTENT na POLISIYA para sa mga nalalabi nitong kolonya (Pilipinas, Cuba, Puerto Rico) sapagkat nahaharap rin ito sa PULITIKAL NA INSTABILIDAD noong dantaon 19. Dahil rito, lalong TUMINGKAD ang pagiging MAKALUMA at DI-PATAS ng mga patakarang kolonyal. Sa pagdagsa ng mga Espanyol na naghahanap ng trabaho, nakarating rin ang liberalismo at iba pang progresibong kaisipan sa Pilipinas.

Gayundin, malaganap ang suliranin sa katiwalian, kapayapaan at kaayusan (e.g. tulisanismo), at pagbibigay ng mga batayang serbisyo sa mga mamamayan. Sa pananaw ng mga Pilipinong modernisador, sagabal sa pag-unlad ng Pilipinas ang mga patakarang kolonyal ng Espanya.

Sa aspetong PANGKULTURA, mainam banggitin ang papel ng mga colegio (paaralang SEKUNDARYA) at UNIVERSIDAD sa pag-usbong ng isang INTELLIGENTSIA (ilustrado) na hahamon sa status quo. Ang iba sa kanila, tulad ni Rizal, hindi lamang sa Maynila mag-aaral kundi maging sa Espanya at iba pang lupalop ng Europa. Nagmula sila sa mga prominenteng pamilyang nakinabang sa pag-unlad ng ekonomiya noong dantaon 19.

Sa aspetong PANLIPUNAN, importante ang gagawing paggigiit ng clase media ng pagkakapantay-pantay sa mga peninsular at insular. Maaari nating sabihin na lohikal itong resulta ng pagkakamit nila ng yaman at mataas na edukasyon.

Sa aspetong PANRELIHIYON, tinuligsa ng mga patriotikong ilustrado (e.g. José Rizal, Marcelo H. del Pilar) ang mga prayle bilang tagapagturo ng mga PAMAHIIN, ng mga ritwal na salungat sa mga modernong ideya. Nagkaroon ng anti- klerikal, anti-prayle, anti-Katolikong diwa ang repormismo at nasyonalismo ng maraming ilustradong Pilipino noong panahong iyon. Tinuligsa nila ang yaman at impluwensya ng mga prayle sa lipunang kolonyal (e.g. pagmamay-ari nila ng malalawak na lupaing agrikultural [hacienda] at pagtupad nila ng mga gawaing pulitikal).

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Ano ang Kilusang Liberal/Pilipinisasyon ng 1860s?

A

Iginiit nito ang PANTAY na KARAPATAN at OPORTUNIDAD para sa mga di- Espanyol – sa gobyerno, hukbong sandatahan, at Simbahang Katoliko. Minana ng henerasyon nina Rizal ang paggigiit ng kilusang liberal ng pantay na karapatan sa ilalim ng mga batas na Espanyol. Ito ang pangunahing hihingin nila bilang mga batang repormista sa Espanya sa susunod na dekada.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Ipaliwanag nang maikli ang pangunahing layunin ng Kilusang Sekularisasyon. Sa unang tingin, internal na usapin lamang ito sa Simbahang Katoliko sa Pilipinas. Bakit ito naging isyung pulitikal?

A

Sa hanay ng kaparian, nabuo ang Kilusang Sekularisasyon.

Ipinaglaban nito ang karapatan ng mga PARING SEKULAR na PANGASIWAAN ang kanilang mga PAROKYA. Siyempre, tinutulan ng mga paring regular (prayle) ang panawagan sa sekularisasyon.

Mula sa pagiging isyung EKLESIYASTIKAL, naging ganap na usaping pulitikal ito dahil sa persepsyon na isa itong kaso ng DISKRIMINASYONG PANLAHI.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Bakit itinuturing na ikutang pangyayari” (turning point) sa kasaysayan ng nasyonalismong Pilipino ang 1872?

A

Noong 1872, ginamit ng pamahalaang kolonyal ang Motín de Cavite (Cavite Mutiny) upang dakpin, pahirapan, ipatapon, at patayin ang mga nagsusulong ng reporma, modernisasyon, at pagkakapantay- pantay sa Pilipinas. Isang henerasyon ng mga ilustrado, modernisador, at patriotikong Pilipinas ang nakaranas ng marahas na panunupil. Sina Mariano Gomes, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (GomBurZa) ang pinakatanyag na mga martir ng panunupil ng 1872.

Sa loob ng halos isang dekada, tila gumana ang paninindak ng kolonyal na establisimyento. Ngunit nagbigay- daan rin ito sa PULITISASYON ng susunod na henerasyon – nina Rizal, Del Pilar, Lopez Jaena, Bonifacio, Jacinto, Mabini, at iba pa.

Ang pag-aalay ni Rizal ng El Filibusterismo (1891) sa alaala ng GomBurZa ay patunay ng kahalagahan ng 1872 sa paggising ng nasyonalismong Pilipino.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Ipaliwanag ang dalumat ng “Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinanangan” (Great Cultural Divide) sa konteksto ng pagbubuklod sa Kapilipinuhan noong dantaon 19.

A

Ayon sa historyador at etnologong si Zeus Salazar (1997), may dalawang magkaiba at nagtutunggaling proyekto ng pagbubuklod ng Kapilipinuhan noong dantaon 19: ang nación ng mga elit at ang bayan ng mga anak ng bayan. Malinaw ang “Dambuhalang Pagkakahating Pangkalinangan” (Great Cultural Divide) ng dalawang kilusang ito.

Nakaugat sa banyagang lengguwahe at kultura ang mga ideya ng elit.

Sa kabilang dako, nakaugat naman sa katutubong wika at kalinangan ang mga kaisipan ng bayan.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Ano ang Nasyonalismo?

A

Karaniwang tinutunton ang kasaysayan ng nasyonalismo pabalik sa Rebolusyong Pranses ng dantaon 18. Tinatawag din itong “nasyonalismong liberal” (liberal nationalism) (Heywood 2002, 111-112).

Sentral na tema ng ganitong nasyonalismo ang pagtataguyod ng prinsipyo ng sariling pagtatakda (self-determination). Ito ang pinakalayunin ng konstruksyon ng isang nasyon-estado (nation-state).

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly