Study Guide 2 Flashcards

1
Q

Ano ang biograpiya?

A

Tumutukoy ang biograpiya (Griegong bios [buhay] + graphein [isulat o ilarawan] sa pagsusulat at pag-aaral ng buhay ng isang tao.

Nagsimula lamang gamitin ng mga Europeo ang terminong “biograpiya” sa kasalukuyan nitong kahulugan noong siglo 17.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Ano ang historya?

A

Madalas bigyang pakahulugan ang history/historya bilang “kronolohikal na pag-aral ng mga pangyayari sa nakalipas”.

Tinutukoy rin ito bilang “muling pagbubuo ng nakaraan ng tao sa pamamagitan ng mga nakasulat na tala.”

Karaniwan nating ginagamit ang history bilang pantukoy sa nakaraan o sa isang tiyak na pangyayari sa nakaraan (history as event); o sa mga tala tungkol sa nakaraan o isang tiyak na pangyayari sa nakaraan (history as account).

Gayumpaman, dapat nating tandaan na higit na malawak ang nakaraan kaysa historya.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Anu-ano ang mga pagkakaiba ng biograpiya at historya sa intelektuwal na tradisyon ng Kanluran?

A

Pinapaksa ng historya ang malalaking pangyayari sa NAKARAAN. Hindi lang ito nakatuon sa buhay ng iisang indibidwal tulad ng biograpiya. Tinatalakay nito ang nakaraan ng mga lipunan, gayundin ng mga INSTITUSYONG pampulitika, pangkabuhayan, pangkultura, at panlipunang nakapaloob sa mga ito.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Paano nagbagu-bago ang tradisyon ng pagsusulat ng biograpiya sa Kanluran?

A

Sa pagdaan ng panahon, nagbagu-bago rin ang pagtingin sa relasyon ng biograpiya at historya (e.g. “biograpiya bilang bahagi ng historya” ni Bacon at “biograpiya bilang historya” ni Carlyle). Higit sa ano pa man, ito ang susing salik (factor) sa likod ng ebolusyon ng biograpiya bilang anyo ng pagsulat.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Magbigay ng mga halimbawa ng biograpikal na lapit sa pananaliksik.

A

Hindi na lamang genre ng literatura ang biograpiya. Naging lehitimong paksa at lapit ito sa pananaliksik sa iba’t ibang agham panlipunan at humanidades ang biograpiya. Narito ang ilan sa tinalakay natin sa klase: sociological imagination, historical biography, social biography, at kasaysayang buhay. Gayumpaman, nagpapatuloy pa rin ang mga debate hinggil sa kakayahan o kawalang- kakayahan ng biograpiya na ilarawan ang kasalimuotan (complexity) ng buhay- panlipunan sa isang tiyak na panahon

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Ano ang imahinasyong sosyolohikal (sociological imagination)? Papaano ito makakatulong sa pag-aaral natin ng buhay at mga akda ni Rizal?

A

Ito ay mahalagang dalumat (concept) at balangkas-pangkaisipan (intellectual framework) sa pananaliksik-biograpikal.

Ayon kay Charles Wright Mills (1959, akin ang diin), “hinahayaan tayo ng imahinasyong sosyolohikal na maintindihan ang kasaysayan at talambuhay, at ang ugnayan ng dalawa sa loob ng isang lipunan.”

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Ano ang talambuhay? Kailan nagsimula ang tradisyon ng pananalumbuhay sa Pilipinas? Paano ito nagbago ilalim ng kolonyalismo?

A

Nagmula ang talambuhay sa “tala” at “buhay”. Ito na marahil ang pinakamalapit nating panumbas sa biograpiya ng Kanluran.

Mahalagang igiit na mayroon nang tradisyon ng pananalambuhay sa Pilipinas bago pa sumapit ang kolonyalismo. Sapagkat ang mga talambuhay ay isa sa mga anyo ng sinaunang kasaysayan (kasama ng mga epiko, alamat, kuwentong bayan, guman, tarsila). Isinasalin ang mga ito mula sa isang henerasyon patungo sa isa pa sa pamamagitan ng pagbigkas o pag-awit (i.e. tradisyong pasalita o orál).

Nagbago ang pananalambuhay sa Pilipinas sa ilalim ng kolonyalismo. Una, itinakda na ng mga kolonisador kung kaninong buhay ang dapat gunitain at tularan. Pangalawa, nasa WIKA AT PANANAW RIN NILA ang mga talambuhay na naisulat sa kani-kanilang panahon ng pananakop.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Bakit nasabi ng Amerikanong historyador na si Alfred McCoy na nasyonalismo ang “pangunahing puwersa sa likod ng produksyon ng mga biograpiya o talambuhay sa Pilipinas”?

A

Sa Lives at the Margin (2000), kumalas sina McCoy sa karaniwang paksa ng mga biograpiya sa Pilipinas. Pinuna nila ang PROYEKTO NG PAGBUO NG NASYON-ESTADO (nation-state building) bilang pangunahing puwersa sa likod ng pagsusulat ng biograpiya sa Pilipinas.

Ang sentralidad na ito ng nasyonalistang adyenda ang dahilan kung bakit ang buhay ng mga mga bayani at pinunong pulitikal ang pinakapinapaksa ng mga talambuhay.
Samakatuwid, walang gaanong puwang para sa mga buhay na tila walang kinalaman sa pagbubuo ng bansa.

Itong mga buhay na ito tinutukoy nina McCoy (2000) na marhinalisado (naisagilid o naisantabi). Sa bisa ng RA 1425, lalong pinagtibay ang kabuluhan ni Rizal sa adyenda ng pagbubuo ng bansa. Naging industriya rin ang pagsusulat at paglilimbag ng Rizaliana.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Ano ang Kasaysayang Buhay? Anu-anong puwang sa tradisyon ng pananalambuhay sa Pilipinas ang pinuna ni Javar?

A

Ayon kay Atoy Navarro (1997), nagmula ang Kasaysayang Buhay sa pagsasanib ng pangkasaysayang talambuhay (historical biography) sa Kasaysayan at kasaysayang buhay (life-history) sa Sosyolohiya.

Tumutukoy ito sa salaysay ng buhay ng mga mamamayang karaniwan, naisagilid o marhinalisado, sinasamantala, walang tinig, at walang kapangyarihan.

Pinuna ni Roderick Javar (2016) ang mga PUWANG SA TRADISYON NG PANANALAMBUHAY sa Pilipinas. Pinakaimportante sa ginawa niyang repaso (review) at kritika ang puwang ayon sa KASARIAN (gender) at KAPANGYARIHAN (power).

Sa pangkalahatan aniya, nananatili ang pagiging dominante ng kalalakihan, lalong-lalo na ng mga prominente at makapangyarihan.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Ano ang Kasaysayan? Anu-ano ang pagkakaiba ng kasaysayan at historya? Ano ang pantayong pananaw sa kasaysayan?

A

Dinalumat ng batikang historyador na si Zeus Salazar ang kasaysayan: “salaysay hinggil sa nakaraan na may saysay para sa pinagsasalaysayang grupo ng tao.” Paglaon, dinagdagan ni Jaime Veneracion ng “salinlahi” ang naunang depinisyon ni Salazar. Ibig niyang sabihin, hindi lamang grupo ng tao ang pinagsasalaysayan ng kasaysayan kundi salinlahi o henerasyon din.

Nagkakaiba ang kasaysayan at history sa ETIMOLOHIYA (“salaysay na may saysay” vs. “pagsisiyasat”), KONSEPTO NG PANAHON (siklikal vs. linyar), at ANYO (di-nakasulat vs. nakasulat).

Sinasabing may “PANTAYONG PANANAW” ang kasaysayan kung ang nagsasalaysay at ang pinagsasalaysayan ay gumagamit ng WIKA at PANANAW na pareho nilang NAIINTINDIHAN.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Anu-ano ang mga elemento ng kasaysayan? Bakit ang tao ang itinuturing na “pinakamapagpasyang” elemento? Ano ang pangyayari?

A

tao, pook, at panahon. Tao ang itinuturing na pinakamapagpasya sapagkat ang tao ang elementong LUMILIKHA ng kasaysayan. Anumang pangyayaring historikal ay binubuo ng tao, pook, at panahon.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Anu-anong hakbang ang nakapaloob sa metodo o kaparaanang pangkasaysayan?

A

1) pagpili ng paksa,
2) pangangalap ng datos,
3) kritika ng batis o sanggunian (source criticism) at
4) sintesis.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Bakit pa natin kailangang pag-aralan ang kalikasan at interseksyon ng Talambuhay at Kasaysayan sa PI 100?

A

Dialektikal ang ugnayan ng tao at lipunan.

Hinuhubog tayo ng ating lipunan at panahon. Ngunit mayroon din tayong kakayahan (agency) na hubugin ang lipunang ginagalawan natin.

Sa konteksto ng PI 100, mainam itong pagkakataon upang mapalalim at mapalawak natin ang panunuri sa buhay ni Rizal at sa kanyang lipunan-at-panahon.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly