Stidy guide 5 Flashcards
Ilahad ang mga pinakainteresanteng obserbasyon mo tungkol sa unang paglalakbay ni Rizal. Anong klase siyang manlalakbay?
Interesante sa akin ang pagiging mapagmasid niya sa kalagayan ng mga taong nagmula sa iba’t ibang etnisidad at nasyonalidad, lalo na ang pagkukumpara niya ng mga Europeo at ng kolonyal na Asyano. Kapansin-pansin rin na may bahagya na siyang kaalaman tungkol sa ilang mga pook na dinaanan nila. Malamang na na nasumpungan niya ang mga ito mula sa pagbabasa o natalakay sa mga klase niya sa Ateneo at Santo Tomás.
Ngunit iyon ang unang pagkakataon na naranasan niyang makita nang aktuwal ang mga pook na ito. Kakaiba rin ang kanyang pagkamangha at pag-uusisa sa ibang mga relihiyon at pananampalataya. Sa tingin ko, salik ito sa ipapamalas niyang kakayahan niyang SURIIN ANG RELIHIYON nang may DISTANSYA. Pagkaraan lamang ng dalawang taong pamamalagi sa Espanya, sa atmospéra ng malayang pag-iisip at pananalita, magagawa niyang punahin ang mga pagmamalabis ng mga prayle sa Pilipinas.
Marapat ring bigyang-diin na marami tayong nalalaman tungkol kay Rizal at sa danas niya ng paglalakbay at pangingibang-bayan dahil nag-iwan siya ng napakaraming talâ at guhit tungkol sa mga ito. Siyempre, ang lahat ng ito’y magiging primaryang batis (primary sources) sa pag-aaral ng kanyang buhay at ng kasaysayan ng Pilipinas at Espanya sa panahong iyon.
Ano ang kahalagahán ng Kanal ng Suez sa mga manlalakbay ng dantaon 19 na tulad ni Rizal?
Ang Kanal ng Suez, na matatagpuan sa Ehipto, ay isang artipisyal na daluyang nagdudugtong sa Dagat na Pula at Dagat Mediteranyo na binuksan noong 1869. Pinaikli nito ang paglalakbay patungong Europa at pabalik ng Asya. Sa kaso ng Pilipinas, mula tatlo hanggang apat na buwan tungong isang buwang paglalakbay.
Nabanggit ko sa lektura natin tungkol sa pag-usbong ng nasyonalismo noong dantaon 19 na dumagsa sa Pilipinas ang mga Espanyol na naghahanap ng trabaho. Nag-ibayo pa ito mula nang buksan ang Kanal ng Suez noong 1869.
Ano ang El Amor Patrio? Ano ang konteksto ng pagkakasulat nito?
Noong 1882, hiniling ni Basilio Teodoro, editór at katuwang ni Marcelo H. del Pilar sa pamamahala ng Diariong Tagalog na mag-ambag si Rizal ng artikulo rito. Ang Diariong Tagalog ang unang pahayagan sa Pilipinas na naglalathala ng mga akda sa wikang Espanyol at Tagalog. Ang El Amor Patrio (literal: Pag- ibig sa Tinubuang Lupa) ay isang sanaysay na isinulat ni Rizal para sa Diariong Tagalog. Nalathala ito noong Agosto 22, 1882. Interesanteng banggitin na ang piniling paksain ni Rizal sa una niyang akda sa isang banyagang lupain ay tungkol sa pag-ibig sa lupang tinubuan.
Ibuod ang pangunahing puntos ng El Amor Patrio.
Sa estílo at nilalaman, matingkad ang pagiging madamdamin at oratorikál ng sanaysay. Gumagamit din ito ng mga retorikál na teknik ng mga manunulat panahong klasikal, lalo na ni Cicero na binasa nila sa Ateneo. Kung naaalala ninyo, sinabi niya sa Memorias na nagisíng ang kanyang “patriotikong sentimyento” (i.e. damdaming makabayan) sa huling taon niya sa Ateneo.
Ayon kay Rizal, UNIBERSAL NA SENTIMYENTO ang pagmamahal sa bayan kaya dapat rin nating ibigin ang ating bayan. Nanawagan siyang mahalin ang bayan HINDI sa pamamagitan ng PANATISISMO, pagwasak at karahasan kundi sa “mga MAPAYAPA at PRODUKTIBONG landas ng SIYENSIYA” na “magdadala sa atin sa progreso”.
Ano ang mga kuro ni Rizal tungkol sa Pg-ibig sa bayan ayon sa El Amor Patrio
1) kapag nakapasok na ito sa puso ng tao, hindi na ito mabubura; 2) isa ito sa mga pinakamakapangyarihang puwersa sa likod ng mga dakilang gawâ sa kasaysayan; 3) may iba’t iba itong ekspresyón; 4) napakarami nang nagsakripisyo at nag-alay ng buhay alang-alang rito [mula kay Hesukristo hanggang sa mga biktima ng mga modernong rebolusyón].
Dagdag pa, kalooban aniya ng Diyos na maging maayos ang bigkis ng Espanya at Pilipinas. Ngunit hinahadlangan ito ng rasismo ng ilang Espanyol. Ano pa man daw ang kalagayan ng bayan, mahalin natin ito at palaging hangarin ang ikabubuti nito.
Anu-ano ang ginawa ni Rizal sa Madrid sa unang dalawang taon niya doon?
Kumuha siya ng Lisensyado sa Medisina at Lisensyado sa Pilosopiya at Letras sa Universidad Central de Madrid (ngayon ay Universidad Complutense).
Bukod sa pag- aaral ng dalawang kurso, kumuha rin siya ng klase sa pagpipinta at eskultura sa Academia de San Fernando.
Nag-aral rin siya ng iba’t ibang wika (Pranses, Ingles, Alemán) sa Ateneo de Madrid at ng eskríma sa Sanz y Carbonell.
Ano ang brindis? Ano ang konteksto ng pagkakasulat at pagkakabigkas nito?
Noong 1884, nagwagi ng premyo ang mga pintór na sina Juan Luna y Novicio (ginto) at Félix Resurrección Hidalgo (pilak) sa Exposición General de Bellas Artes sa Madrid, Espanya. Nag-organisa ang mga Pilipino, sa pangunguna ni Pedro Paterno ng isang salu-salo upang ipakilala sila sa mga akademiko, peryodista, at pulitikong Espanyol (e.g. Rafael Labra, Segismundo Moret, at Miguel Morayta y Sagrario). Naimbitahan si Rizal na magbigay ng talumpati (brindis o toast) sa salu-salong ito na idinaos sa Restraurant Inglés sa Madrid, Hunyo 25, 1884.
Ibuod ang pangunahing puntos ng Brindis
Binigyang-diin niya ang mga sumusunod na puntos:
1) patunay ang tagumpay nina Luna at Hidalgo na walang kinikilalang raza (lahi) ang genio (talento) [“genius knows no country”];
2) patapós na ang panahon ng patriyarka sa Pilipinas, lalo pa’t kinikilala na ang husay ng kanyang mga anak maging sa Espanya; at
3) maaaring mawala ang Pilipinas sa kamay ng Espanya kung hindi ito aayon sa progreso, kung hindi nito kikilalanin ang mga karapatan at pangangailangan ng mga Pilipino.
Saan inihalintulad nimFizal ang Pilipinas sa Brindis
isang krísalis na papalabas na sa kanyang kokún
Ano ang argumento ng Brinidis
malaki na ang iniunlad ng Pilipinas sa nakaraang halos 300 taon kaya kailangan nang magpatupad ng Espanya ng mga kinakailangang reporma sa Pilipinas.
Ano ang pinagkaiba ng A La Juventud Filipina sa brindis
Nanunuot ang diwa ng A La Juventud Filipina sa brindis (ipinagbubunyi nito ang mga kabataang Pilipino na nagbibigay- karangalan sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang larangan). Ngunit may isang bago at kapansin-pansing elemento na wala sa A La Juventud Filipina: ang anti- prayleng sentimyento.
Ano ang tingin ni Rizal sa mga
rayle base sa Brondis
kalaban ng progreso at modernidad (“short-sighted midgets incapable of looking into the future” at “sickly wetnurses, corrupted and corrupting, who tend to snuff out all legitimate feeling and pervert the hearts of nations, sowing in them the seeds of discords”). Magpapatuloy ang temang ito sa “isusulat” niyang Spoliarium: ang Noli me tangere.
Ano ang kahalagahán ng brindis sa talambuhay ni Rizal?
Makatotohanan ang nakasaad sa panandang pangkasaysayan (historical marker) sa Hotel Inglés, na “unang isinapubliko ni Rizal ang kanyang mga gawaing makabayan” (“inició publicamente de su labor patria”) sa brindis.
Sa isang liham ni Paciano na may petsang Nobyembre 5 1884, sinabi nito na nagkasakit si Doña Teodora dahil sa labis na pag-aaalala kay José. Kumakalat noon ang mga usap-usapan na dahil sa brindis, nagkaroon siya ng napakaraming kaaway at dahil rito, hindi na siya makakauwi sa Pilipinas.
Gayundin, makikita natin ang pagtawid at pagpapalawig ni Rizal ng mga tema ng brindis sa Noli me tangere.
Kronolohiya ng paglalakbay ni Rizal
Mayo3,1882–umalispatungong Europa sa unang pagkakataon
• Hunyo16,1882–dumatingsa Barcelona, Espanya
• Agosto20,1882–nalathalaangEl Amor Patrio
• nagtungosaMadridatsabayna nagpatala sa Licenciado en Medicina at Licenciado en Filosofía y Letras sa Universidad Central de Madrid
kumuharinngmgaklasesapagpipintaat eskultura sa Academia de San Fernando; iba’t ibang wika – Pranses, Ingles, Aleman sa Ateneo de Madrid; eskrima sa Sanz y Carbonell;
Enero 1883, ibinalita niya sa pamilyang nag-aaral rin siya ng wikang Italyano at makakaya niya nang magsalita nito sa loob lamang ng dalawang buwan
Hunyo25,1884–brindisparakinaLuna at Hidalgo sa Restaurante Ingles
• nakamitniyaangkanyanglisensyadosa Medisina noong 1884; ang lisensyado sa Pilosopiya at Letras naman noong 1885
• 1885–hindipasiyapinauwingama; sinimulan niyang isulat ang Noli me tangere; naglakbay siya patungo sa Paris, Pransya upang magpakadalubhasa sa oftalmología
Sagisag panulat ni Rizal noong Oktubre 1890 sa La Solidarida
Laong Laan