Q1: Lesson 3 | Tula Flashcards
Pag sinabing “HARAYA” ano iyon?
Imahinasyon
Pag sinabing “BANTAS” ano iyon?
Punctuation
Porma ng tula?
Malayang taludturan o tradisyonal
Salitang hindi literal ang kahulugan
Talinhaga
Ipinapakita ang emosyon
Damdamin
Isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay, hinango sa guni-guni, ipinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw
Tula
Isang tula na nagsasaad ng matindi o maalab na pagmamahal sa bayan (damdaming nasyonalismo). Nagbibigay-diin din ito sa mga natatanging kasaysayan, mga pook, tanawin, at mga dakilang pinuno ng bansa.
Tulang makabayan
Punompuno ng damdamin, ito ay may kinalaman sa pag-iibigan o pagmamahalan ng dalawang magsing-irog
Tulang pag-ibig
Nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng tao gayundin ang kadakilaan, kagandahan, at karilagan ng kalikasan.
Tulang pangkalikasan
Nagbibigay-diin sa mga katangian ng buhay sa kabukiran, gayundin, ang kagitingan, at kadakilaan ng mga magsasaka.
Tulang pastoral
Mula sa pangalan ng uri, ito ay sumasalamin sa damdamin ng makata o sumusulat ng tula. Walang anumang konsiderasyon sa pagsulat nito ngunit ang damdamin o emosyon lamang ang sumulat
Tulang pandamdamin o liriko
iisa ang tugma ng bawag taludtod. Katumbas nito sa kasalukuyan ang awit o mga kantang mayroong liriko
Awit
Ito ay mahabang tula na binubuo ng 14 na linya. Karaniwang tumatalakay naman ito sa kaisipan diwa ng makata.
Soneto
Sikat na manunulat ng sonetong Romeo and Juliet
William Shakespeare
Nakatuon naman sa pagbibigay ng papuri o dedikasyon sa isang tao, bagay, o anumang elemento ang _____
Oda