Q1: Lesson 1 | Teoryang Pampanitikan Flashcards
Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral ng naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng panitikan.
Teoryang Pampanitikan
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado ng dalawang nag-iibigan at kadalasang nagtatapos nang may kaayusan.
Klasismo
Ang layunin ay ipakita ang tao ang sentro ng mundo. Binibigyang tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talento, talino, at iba pa.
Humanismo
Mabatid ang nakakubling katotohanan, kabutihan, at kagandagan. Ang nagkakasala at masama ay pinarurusahan.
Romantisismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kaniyang lipunan. Minsan ay hango sa totoong buhay.
Realismo
Nais iparating sa mambabasa ang nais sabihin. Walang labis at walang kulang. Walang simbolismo.
Pormalismo
Nagkakaroon ng maturidad bunga ng kaniyang kamalayan sa kahirapan. Nagkakaroon ng pag-uudyok sa pagbabago.
Sino-analitiko
Nais ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kaniyang sarili na siyang pinakasentro ng kaniyang pananatili sa mundo.
Eksistensiyalismo
Wika ang mahalaga dahil bukod sa hinuhubog nito ang kamalayang panlipunan - ipinalalagay ng maraming teorista na napakahalaga ng diskurso sa paghubog ng kamalayang panlipunan.
Istrukturalismo
Ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaghaluhalong pananaw.
Dekonstruksiyon
Nais magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.
Feminismo
Nais magpahayag ng hindi lamang literal na katotohanan kundi mga panghabambuhay at unibersal na katotohanan at di mapapawing kaasalan.
Moralismo
Ginagamit ang wika upang epektibong maihatid ang wastong imahe.
Imahismo
Ang tao ay may sariling kakayahan na umangat sa buhay sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning pampulitika at panlipunan.
Marxismo
Nais ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan na bahagi ng kaniyang paghubog.
Historikal