Q1: Lesson 1 | Maikling Kuwento Flashcards
Sangay ng salaysay na may iisang kakintalan. May isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay. May isang pangunahing tauhan na may isang mahalagang suliranin.
Maikling Kuwento
Mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na madaling sinusundan ng wakas. Tinatawag ding maikling katha. Kadalasang natatapos itong mabasa sa isang upuan lamang.
Maikling Kuwento
Nagbibigay buhay at gumaganap sa mga pangyayari
Tauhan
Tumutukoy sa pinangyarihan ng mga kaganapan sa kuwento.
Tagpuan
Tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento o paksa.
Banghay
Sa bahaging ito niya paaasahin ang mga mambabasa sa isang kawili-wili at kapanapanabik na akda; karaniwang inilalahad ang mga katangian ng pangunahing tauhan at ang kaniyang suliranin sa siyang magiging pokus ng tunggalian
Panimula
Dito matatagpuan ang mga pagbabalik-tanaw at pagpapakita ng kung paano humantong sa ganoong punto ang sitwasyon. Makikita rin dito ang pagtatagpo ng mga tauhan na kabilang sa suliranin ng akda.
Saglit na Kasiglahan
Sa bahaging ito magsisimula ang balakid ng pangunahing tauhan. Sa suliranin iikot ang mga pangyayari sa akda. Ang mga tauhang may malaking kahalagahan ay ang mga tauhang umiikot sa suliranin ng pangunahing tauhan.
Paglalahad ng Suliranin
Dito makikita ang pakikipagtunggali ng mga tauhan na maaring mula rin sa suliraning nailahad.
Tunggalian
Ito ang pinakamasidhi o pinakamataas na yugto ng akda.
Kasukdulan
Ang katapusan ng akda.
Wakas o Kakalasan
Sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa kuwento
Paksa o tema
Ang diwa ng kuwento ay ukol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ng kanyang katambal na tauhan
Kuwento ng Pag-ibig
Nangingibabaw sa kuwentong ito ang paglalarawan sa isang tiyak na pook, ang anyo ng kalikasan doon, at ang uri ng pag-uugali, paniniwala, pamimihay, at pamantayan ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar
Kuwento ng katutubong kulay
Nangingibabaw sa kuwentong ito ang isang masusing pag-aaral at paglalarawan sa tunay na pagkatao ng pangunahing tauhan.
Tauhan o Pagkatao
Sinisikip na pasukin ng kuwento ang kasuluk-sulokang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito sa mga mambabasa.
Kaisipan o Sikolohika
Matindi ang damdaming nagbibigay buhay sa kuwentong ganito. Nakapananaig ang damdamin ng takot at lagim na nililikha ng mga pangyayari sa katha.
Katatakutan
Ang galaw ng mga pangyayari sa kuwentong ito ay magaan, may mga pangyagaring alanganin at may himig na nakakatawa ang akda.
Katatawanan
Ang kuwentong ito ay punong-puno ng suliraning hahamon sa katalinuhan ng babasa na lutasin. Ang mga kuwentong detektiv o sa paniniktik ang halimbawa nito.
Talino
Ang mga pangyayari sa loob ng kuwento na ang banghay ang siyang nangingibabaw sapagkat dito nasasalig ang mga katayuan o kalagayan ng mga tauhan.
Makabanghay o Madulang Pangyayari
Tumutukoy ito sa kahulugan ng salita o mga salita na matatagpuan sa diksyuryo (dictionary)
Denotatibo
Pagpapakahulugan ng nakabatay sa kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.
Konotatibo