Q1: Lesson 3 | Mga Tayutay Flashcards
Simpleng paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo. Gumagamit ng mga salita o pariralang tulad ng para ng, kawangis ng, tila, parang, gaya ng, at iba pa.
Hal. Gaya ng halamang lumaki sa tubig
Pagtutulad
Naghahambing din ito ngunit hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kawangis, sapagkat ito’y tiyak ang paghahambing
Hal. Ang kamay ng ama ay bakal sa tigas
Pagwawangis
Lubhang pinapalabis o pinakukulang (exaggerate) ang tunay na kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari.
Hal. Namuti ang kanyang buhok sa kahihintay sa itinakda
Pagmamalabis
Pagbibigay-katangian ng isang tao sa isang bagay na walang buhay
Hal. Lumuha ang langit nang makita niya ang kanyang sinta na may kapiling ng iba
Pagsasatao
Pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao na malayo o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.
Hal. Oh! Kamatayan, nasaan ka ba? Maaari mo bang wakasan ang aking kahirapan
Pagtawag
Isang anyo ng pananalita ay kabaligtaran sa tangkang sabihin, dahil sa ang isang bagay na sinasabi ay may ibang pakahulugan at ginagamit aa pangungutya o katuwaan lamang
Hal. Kay talino ni Maria upang siya ay maloko ng lalaki ang layunin ay bilugin ang kaniyang ulo
Balintuna
Isang tayutay na ipinahihiwatig sa paraan o tanong pagsasalita. Ito ay panunudyo o pangungutya sa tao, bagay, at pangyayari
Hal. Kay pangit ng kaniyang itsura
Pauroy