Q1: Lesson 2 | Nobela/Teleserye Flashcards
Ay maaaring iuri sa iba’t ibang anyo at genre. Ang _________ ay isang uri na napapanood sa telebisyon na karaniwang hindi makatotohanan o walang pawang pruweba na masasabing ito ay totoo.
Teleserye o teledrama
Nagmula ito sa dalawang salita na “tele” pinaikling salita para sa “telebisyon” at “ serye, salitang Tagalog para sa series.
Teleserye
Ang kathang ito ay hindi mababasa sa isang upuan lamang. Isang akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang kuwento na nahahati sa nga kabanata. Binubuo ng 60,000 hanggang 200,000 na salita o 300-1,300 na pahina.
Nobela
Nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa teleserye.
Tauhan
Lugar at panahon ng mga pangyayari sa isang akdang pampanitikan
Tagpuan
Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang teleserye o nobela.
Banghay
Panauhang ginagamit ng may akda
Pananaw (P.O.V)
Paksang-diwang binibigyan diin sa teleserye
Tema
Nagbibigay kulay sa mga pangyayari
Damdamin
Istilo na ginagamit ng manunulat sa kanyang nobela
Pamamaraan
Diyalogong ginagamit sa nobela o teleserye
Pananalita
Nagbibigay ng mga mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, pahayag, at pinangyarihan
Simbolismo
Ito ay sining sa pagkuha ng bidyu na kinabibilangan ng liwanag, anggulo, dimensyon, at marami pang iba
Sinematograpiya
Ito ay isang uri ng tunggalian na panloob dahil nangyari ito sa loob ng tauhan. Nakikita o napapansin ito kapag ang pangunahing tauhan ay nahihirapan sa pagdedesisyon.
Tao laban sa sarili
Isang uri ng tunggalian na panlabas. Kalaban ng pangunahing tauhan ay isa pang tauhan. Ito ang klasikong bida laban sa kontrabida.
Tao laban sa tao