Piling Larang Flashcards
ito ang pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao
sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan
(Sauco, et al.,1998).
pagsulat
ay isa sa mga makrong kasanayan na kailangan nating matutuhan
bilang isang indibiduwal.
Pagsulat
“Ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin
naman, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung
walang kalidad ng pag-iisip”
(kellogg).
“Ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at kaligayahan”
(Helen Keller).
Gumagamit ng —— na wika,
hindi gumagamit ng balbal,
kolokyal, o impormal na mga
salita. Ang tono ay seryoso at
propesyonal.
pormal
Nakatuon sa mga impormasyon
at ideya, hindi sa personal na
damdamin o opinyon ng
manunulat. May tiyak na
layunin at hindi nagpapahayag
ng emosyon.
Obhetibo
Maayos ang pagkakabuo ng
mga ideya at impormasyon.
Dapat malinaw ang bawat
bahagi ng teksto, mula sa
introduksyon, katawan,
hanggang sa konklusyon.
Maliwanag
at Lohikal
Ipinapakita ang tiyak na posisyon o pananaw ng manunulat, batay sa mga ebidensya at datos, at
naninindigan sa sinasabing pananaw.
May
Paninindigan
Kinakailangang kilalanin ang mga
pinagmulan ng mga impormasyon at ideya na ginamit sa pagsulat. Ginagamit ang mga sanggunian
bilang pagkilala sa mga
pinagkunan ng datos.
May Pananagutan
Ang mga pahayag at ideya ay
sinusuportahan ng mga datos,
pananaliksik, at mga sanggunian
upang maging kapani-paniwala at
makatotohanan.
Ebidensyal
Maayos ang pagkakaayos ng mga
bahagi ng teksto, may malinaw na
estruktura at pagkakasunod-
sunod ng mga ideya.
Organisado
Sinusuri at iniimbestigahan ang
mga datos at ideya sa mas
malalim na paraan, na nagpapakita ng kakayahang mag-
isip nang masinsin at magsagawa
ng analisis.
Kritikal
Layunin nitong magbigay ng
tamang kaalaman, detalye, at
——— tungkol sa isang
paksa.
impormasyon
Ang akademikong pagsulat ay
ginagamit upang ilahad ang
resulta ng mga eksperimento,
pananaliksik, o pagsusuri.
Mag-ulat ng
Pananaliksik
Isa pang layunin ng akademikong
pagsulat ay ang magbigay ng
pagsusuri o kritikal na pagsusuri ng mga datos, akda, o isyu. Ang
layunin ay magbigay ng mas
malalim na pag-unawa at
pagpapaliwanag sa mga ideya o
konsepto.
Maglahad ng
Analisis
Karaniwan, ang akademikong
pagsulat ay may layuning magbigayng mga rekomendasyon o solusyon sa mga isyu o problema.
Magbigay ng solusyon
Meaning ng Bionote
bio- buhay ng isang tao
note- isang maikling pagtatala ng mga katotohanan
Ano ang Bionote?
Ang Bionote ay pinaikling salita lamang ng Biography Note.
-Ito ay madalas nakikita sa likurang bahagi ng aklat na may kasamang larawan ng awtor.
-Mas mainam na maikli ito upang madaling matandaan ng mambabasa ang impormasyon ng awtor.
Bionote
Paano sumulat
ng Bionote?
-Maghanap at magbasa ng ilang halimbawa ng bionote.
-Gawing tiyak ang ibibigay na impormasyon.
-Isulat sa ikatlong panauhan.
-Magsimula sa iyong pangalan.
-Magbigay ng impormasyon kung saan ka kilala o nakilala.
-Isaad ang mga pinakamahalagang proyekto na iyong natapos.
-Ilagay din ang mga impormasyon tungkol sa iyong natapos na kurso at kung saan ka nag-aral.
-Isama ang ilang mga personal na impormasyon tungkol sa iyong sarili kung kailangang ilagay; subalit maari rin naming hindi.
Estruktura ng
Lakbay-Sanaysay
Introduksyon
Katawan
Konklusyon
Mga Hakbang sa
Pagsulat ng Lakbay-
Sanaysay
-Magplano ng
Paglalakbay
-Isulat ang
Detalye ng
Paglalakbay
-Ilagay ang
Repleksyon
-Pagsusulat
ng Draft
-Rebisyon
Ito ay isang makabuluhang paraan upang ibahagi ang iyong mga karanasan sa mundo. Hindi lamang ito pagdokumenta ng
iyong paglalakbay, kundi isang
pagninilay at pagsasalaysay ng mga
kwentong nagbibigay inspirasyon at
aral sa mga mambabasa.
Lakbay Sanaysay