Pagtugon ng mga Hamong Pangkapaligiran Flashcards
Climate Change
Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo
Ayon sa Inter-governmental Panel on Climate Change (2001), “Climate change is a statistically significant variation in either the mean state of the climate or in its, variability, persisting for an extended period (typically decades or longer). It may be due to natural internal processes or external forcing, or to persistent anthropogenic changes in the composition of atmosphere or in land use.”
Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index (Sönke, Eckstein, Dorsch, & Fischer, 2015), naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa sampung bansa na pinaka-naapektuhan ng Climate Change.
Mga Suliraning Pangkapaligiran
- solid waste
- deforestation
- water pollution
- air pollution
Mga Programa, Polisiya, at Patakaran
Alinsunod sa seksyon 16 ng Artikulo II ng Saligang Batas 1987 ng Pilipinas “Dapat pangalagaan at isulong ng estado ang karapatan ng sambayanan sa timbang at kanais-nais na ekolohiya nang naaayon sa aluy-oy at tugma ng
kalikasan.”
> Presidential Decree 1586: Philippine Environmental Impact Statement System
> Republic Act 6969: Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990
> Republic Act 8749: Clean Air Act of 1999
> Republic Act 9003: Ecological Solid Waste Management Act of 2000
> Republic Act 9275: Philippine Clean Water Act of 2004
> Republic Act 9279: Climate Change Act of 2009
Presidential Decree 1586: Philippine Environmental Impact Statement System
Ipinagtibay sa panahon ng panunungkulan ni Pang. Ferdinand E. Marcos taong 1978.
- Layunin ng kautusan na ito na ang mga pribadong
kompanya, korporasyon, gayundin ang mga ahensiya ng gobyerno na maghanda ng environmental impact Statement (EIS) sa lahat ng mga proyekto at balakin ng mga grupo na maaaring may malaking epekto sa kapaligiran - Ayon sa Sek. 4 ng kautusan “no person, partnership or
corporation shall undertake or operate any such declared environmentally critical project (ECP) or area (ECA) without first securing an Environmental Compliance Certificate (ECC).”
Republic Act 6969: Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990.
Napagtibay ang batas na ito sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Corazon C. Aquino.
- nagbibigay ng legal na basehan sa pamamahala, pagpigil, at pagbabantay sa importasyon, paglikha, pagpoproseso, pamamahagi, paggamit, paglilipat, at pagtatapon ng mga nakakalason at delikadong basura at kemikal (malinis na lipunan)
- Kinakailangan na may sariling landfill ang mga ospital at mahigpit din na ipiagbabawal ang pagpapasok ng mga hazardous nuclear wastes. Nagkaroon ng mas istriktong batayan sapagtatapon ng mga kemikal mula sa mga pabrika. Ito rin ang isang naging basehan sa paggamit ng ilang pestesidyong nakasasama sa kapaligiran.
Republic Act 8749: Clean Air Act of 1999
Ang batas na ito ay napagtibay noong June 1999 sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Joseph E. Estrada.
- pagkakaroon ng malinis at ligtas na hangin para sa mamamayan sa pamamagitan ng mga polisya patungkol sa air quality management. Sakop nito ang mga potensyal na pinanggagalingan ng maruruming hangin o air pollution tulad na lamang ng mga sasakyan (mobile sources), industriyal na planta (point or stationary sources), at
pagsusunog ng kahoy o uling (area sources) - ipinagbawal ang pagsusunog ng basura. Nagkaroon din ng regular na air monitoring sa mga lungsod, at isinama na sa pagpaparehistro ng mga sasakyan ang pagkakaroon ng taunang emission testing.
Republic Act 9003: Ecological Solid Waste Management Act of 2000
legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng
pamamahala ng solid waste sa bansa (Official Gazette, 2000
- Isa sa mga naging resulta ng batas ay ang pagtatayo ng mga Materials Recovery Facility (MRF) kung saan isasagawa ang waste segregation bago dalhin ang nakolektang basura sa mga dumpsite
- Maraming barangay ang tumugon sa kautusang ito, sa katunayan mula sa 2,438 noong 2008 ay tumaas ang
bilang ng MRF sa 8,656 noong 2014 (National Solid Waste Management Status Report, 2015).
Republic Act 9275: Philippine Clean Water Act of 2004
maprotektahan ang ating mga anyong tubig mula sa mga land-based solution sources tulad ng mga komersyal na establisyimento o kaya naman ay mga gawain ng nasa agrikultura at komunidad na nakakasama sa ating
katubigan.
- Dahil sa Clean Water Act, bawal na ang pagtatapon ng mga pabrika ng kanilang dumi sa ilog. Naging proyekto rin ang paglilinis ng mga pangunahing daluyan ng tubig sa bansa tulad na lamang ng Ilog Pasig at Laguna de Bay.
Republic Act 9279: Climate Change Act of 2009
Mula sa panukalang ito, nabuo ang Climate Change Commission na siyang naatasang gumawa ng plano kung paano makakatugon sa climate change ang ating bansa. Ito rin ang lupon na naatasang dumalo sa mga komperensya tungkol sa climate change na ipinatatawag ng mga internasyunal na organisasyon tulad ng United Nations Framework Convention on Climate Change o UNFCCC.
Mga Pandaigdigang Samahan Para sa Climate Change:
Ang pagsusumikap na pag-aralan at unawain ang
nagbabagong klima ay nagbunga ng pag-usbong ng mga samahan na nakatutok sa climate change. Sa katunayan bahagi ng 17 Sustainable Goals ng United Nations ang agarang pagtugon sa climate change at sa masamang epekto nito.
> United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC)
> CLIMATE ACTION NETWORK (CAN)
> GREENPEACE
United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC
Kilala din ito sa katawagang Earth Summit.
- Ang pagkakabuo ng UNFCC ay resulta ng pagtitipon ng mga bansa noong 1992. Nabuo ang internasyunal na kasunduan hinggil sa climate change na nakabatay sa mga datos na kinalap ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC)
- Magsama-sama ang mga bansa sa buong mundo na gumawa ng mga natatanging aksyon upang mapigilan ang hindi normal na pagtaas ng temperatura ng ating planeta, ang climate change, at ang masasamang epekto nito. Mula sa 154 na mga orihinal na signatories, mayroon ng 197 na
bansa sa kasalukuyan ang kasapi at nagsusulong ng layunin nito.
CLIMATE ACTION NETWORK (CAN)
Isa itong worldwide network ng mahigit 1300 Non-Governmental Organizations (NGOs) mula sa 130 bansa, na nagsusulong na magkaroon ng mga batas at aksyon mula sa gobyerno at mga indibidwal upang malimitihan ang mga dahilan ng climate change na
dulot ng mga gawain ng tao.
- pagbibigay ng mga mahahalagang pag-uulat, lokal man,
batay sa rehiyon, o internasyonal, tungkol sa climate change. Naniniwala sila na kayang tugunan ang pangangailangan ng tao nang hindi inilalalagay sa panganib ang kapakanan ng mga susunod na henerasyon
GREENPEACE
isang Non-Governmental Environmental Organization na
nagsasagawa ng mga plano upang mabago ang pananaw at pagkilos ng mga tao sa ating kapaligiran
- maisusulong ang kapayapaan sa pamamagitan ng pangangalaga sa kapaligiran. Upang manatili ang independiyenteng katayuan ng organisasyon, hindi ito
tumatanggap ng donasyon mula sa gobyerno at kahit anong korporasyon, kundi sa mga tulong lamang ng mga indibidwal, foundation, at iba pang pribadong samahan.