Mga Suliranin at Pagtugon sa Isyung Pangkapaligiran Flashcards
Pagbagyo
Ang bagyo ay isang malaking unos, mayroon itong isang pabilog o spiral na sistema ng marahas at malakas na hangin na may dalang mabigat na ulan. Ito ay karaniwan na may daan-daang kilometro o milya sa diameter ang laki. Nabubuo ang bagyo sa gitna ng karagatan kung saan nagtatagpo ang mainit at malamig na hangin.
Malaki ang kinalaman ng lokasyon ng Pilipinas kung bakit madalas daanan ito ng bagyo. Ayon sa PAGASA may inaasahang 20 tropical cyclone ang namumuo sa Philippine Area of Responsibility o PAR at 8 hanggang 9 ang average na naglalandfall sa bansa.
Ilan sa malalakas na tumamang bagyo sa bansa ay ang Ondoy (2009) at ang Yolanda (2013)
Storm Surge o Daluyong
Ang daluyong ay pag-angat ng tubig-dagat na dulot ng bagyo, na karaniwang mayroong low air pressure.
Ang low air pressure na ito ang nagpapaangat sa tubig-dagat sa karaniwan nitong antas. Samantala, ang malakas na hangin naman na dala rin ng bagyo ang nagtutulak sa tubig patungo sa kalupaan.
Ang mas malakas na bagyo, mas malaki ang posibilidad na lumikha ng daluyong. Makadadagdag din sa epekto ng daluyong ang pagsabay ng high tide sa lugar. Hindi pamilyar ang mga tao sa storm surge o daluyong. Ang naranasan na daluyong ng mga tao sa Tacloban dulot ng bagyong Yolanda ay isa sa itinuturo na dahilan ng dami ng naitalang bilang ng mga namatay dahil sa kakulangan sa kaalaman, hindi napaghandaan ng mga residente ang kalamidad na dulot nito.
Pagbaha
Nagkakaroon ng malaking pagbaha kung nagsasabay-sabay ang bagyo at ang hanging habagat. Dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan, tumataas ang lebel ng tubig na nagreresulta sa pagbaha.
Higit na lumalala ang suliranin sa pagbaha dulot ng mga baradong estero o daluyan ng tubig dahil sa mga solid waste na naitambak at kakulangan sa solid waste management na nagreresulta sa flash floods. Nagreresulta sa pagkamatay ng tao at pagkawasak ng mga ari-arian o kaya naman ng pagkakasakit tulad ng leptospirosis mula sa maduming tubig-baha na may halong ihi ng daga at may sugat ang isang tao sa panahon ng baha.
Paglindol
Ang Pilipinas ay nabibilang sa mga bansang naiikutan ng Pacific Ring of Fire. May ilang aktibong bulkan ang madalas na nagpaparamdam ng pagputok tulad ng Bulkang Mayon at Taal at isa sa nararanasan ng Pilipinas ang pagyanig ng lupa o
lindol. Ang mga madalas na natural na uri ng lindol sa Pilipinas ay volcanic at tectonic.
Pagtama ng Tsunami
Kung minsan, hindi mapaghihiwalay ang lindol sa pagtama ng tsunami. Ang tsunami o seismic wave ay serye ng malalaking alon na halos umaabot sa 100
talampakan na nilikha ng mga pangyayari sa ilalim ng dagat tulad ng lindol pagguho ng mga lupa, pagsabog ng bulkan, o pagbagsak ng maliit na bulalakaw.
Naranasan ng Pilipinas ang isa sa pinakamapinsalang tsunami noong Agosto 17,
1976 bunga ng paggalaw sa Cotabato trench. Umabot sa 9 na metro ang malaking alon at tinatayang 8,000 katao ang namatay at nawala
Pagputok ng mga Bulkan
Matatandaan na ang Pilipinas ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire na nagreresulta sa madalas na seismic volcanic activity. Nagaganap ang mga
paglindol dahil sa pagtatagpo ng mga pangunahing tectonic plates sa rehiyon. Tinatayang may 22 aktibong bulkan sa Pilipinas sa kasalukuyan
El Niňo at La Niňa
El Niño - itinuturing na tagtuyot o halos walang ulan na dala ng abnormal na pag-init ng tempatura sa ibabaw ng dagat
La Niña - mistulang tag-ulan na nagaganap pagkatapos ng el niňo at malimit nagiging dahilan ng pagbaha dahil sa mga panahong ito ay nadadalas ang mga pagbagyo at pag-ulan.
Solid Waste
Mga basurang nagmula sa mga tahanan at
komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason (Official Gazette, 2000).
Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2013), ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura kada araw noong taong 2015. Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila kung saan ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw. Mas mataas ito ng 130% kaysa sa world average (National Solid Waste Management,2016)
Ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act
9003 o kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t-ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa (Official Gazette, 2000).
Ano nga ba ang Climate Change?
Ayon sa Inter Governmental Panel on Climate
Change (2001), maaaring isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis o napapalala dulot ng gawain ng tao.
Isa sa sinasabing dahilan nito ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o global warming.
Sanhi ng climate change
- Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon.
- epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo. - Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases - GHGs.
- mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol
ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic na nagbubunga ng methane
Mga epekto ng Climate Change
Lumabas sa pag-aaral nina Domingo at mga kasama (2008)
• El Niño at La Niña
• malalakas na bagyo
• pagbaha
• pagguho ng lupa
• tagtuyot
• forest fires
• coral bleaching
• pagkatunaw ng Iceberg sa Antartic
• food security
• mga sakit ( dengue, malaria, cholera )
• sirang mga tahanan
COVID-19
Ang novel coronavirus (2019-nCoV - “2019 novel coronavirus Acute Respiratory Disease” o
2019-nCoV ARD” , WHO) ay isang bagong uri ng coronavirus na hindi pa natatagpuan sa mga tao noon, nagnagdulot ng malalang pneumonia sa ilang tao sa Tsina at kumalat na rin sa iba pang mga syudad at bansa.
Bagama’t napatunayan na iba ito sa SARS at MERS, ang bilis ng pagkalat at bagsik nito ay patuloy pang inaalam.
Wala pang gamot o treatment sa 2019-nCoV. Ngunit marami sa sintomas nito ang maaaring gamutin base sa kalagayang pangkalusugan ng pasyente. Mabisa rin ang masugid na pag-aalaga at pagsuporta o supportive care para sa mga pasyente.
> Noong ika-31 ng Disyembre 2019, naitala ang ilang kaso ng pneumonia sa Wuhan, China.
Noong ika-11 ng Marso 2020, idineklara ang Covid 19 bilang isang pandemic sa ginanap ng media briefing ng World Health Organization
Noong July 6, 2020, tinatayang umaabot na sa 11.32 milyong katao ang kumpirmadong nagpositbo sa sakit sa buong mundo at nakapagtala na ito ng 532,000 libong katao na namatay at may 6.27 milyong katao naman ang nakarekober at may 216 na bansa ang kasalukuyan naapektuhan ng Covid19.
Sa Pilipinas umabot na sa 41,830 katao ang kabuuang bilang ng nagkasakit at 11,453 na ang nakarekober samantala 1,290 na ang naitalang binawian ng buhay
Naging palasak na ang mga salitang “work from home,” “stay at home,” “quarantine,” “lockdown,” at ang “new normal” o bagong kadawyan na naglalarawan ng ating pamumuhay bunga ng matinding epekto ng Covid-19.
Disaster Management Plan
Ayon kay Carter (1992), ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol, hindi
lamang nakasalalay sa kamay ng pamahalaan ang pagbabalangkas ng disaster management plan. Kabilang din dito ang mga mamamayan at ang pampribado at
pampublikong sektor
Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009), ang disaster
management ay tumutukoy sa iba’t-ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard. Nakapaloob din dito
ang mga plano at hakbang na dapat gawin ng mga komunidad upang maiwasan, makaagapay sa mga suliranin at makabangon mula sa epekto ng kalamidad,
sakuna at hazard
Disaster Risk Management System Analysis
isang guide book nina Baas at mga kasama (2008).
- Hazard 4. Risk
- Disaster 5. Resilience
- Vulnerability
KAHULUGAN:
- Hazard – ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan.
> Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao. Ang maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan ay halimbawa nito.
> Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan. Ilan sa halimbawa nito ay ang bagyo, lindol, tsunami, thunderstorms, storm surge, at landslide. - Disaster – ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. Maaaring ang disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng digmaan at polusyon. Ang disaster ay sinasabi ding resulta ng hazard, vulnerability at kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang
mga hazard. - Vulnerability – tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging
vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan. Halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay na gawa sa
hindi matibay na materyales. - Risk –ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad.
- Resilience– ang pagiging resilient ng isang komunidad ay tumutukoy sakakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.Ang pagiging resilient ay maaaring istruktural, ibig sabihin ay isasaayos ang mga tahanan, tulay o gusali upang maging matibay. Maaari ring ito ay makita sa mga mamamayan, halimbawa ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa hazard ay maaaring makatulong upang sila ay maging ligtas sa panahon ng
kalamidad.
Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework ( PDRRM Framework )
Nakabatay ang Philippine Disaster Risk Reduction and
Management Act of 2010 sa dalawang pangunahing layunin:
(1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t-ibang kalamidad.
(2) Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t-ibang kalamidad at hazard