Mga Paghahanda sa Panganib ng Suliraning Pangkapaligiran Flashcards

1
Q

Pagbagyo

A

Ang Philippine Athmosperic Geophysical and Astronomical
Services Administration o PAGASA ang nagsusuri, nagbabantay, at nagpapangalan ng mga bagyo sa Pilipinas. Ayon sa PAGASA, mayroong apat na uri ng pagbagyo depende sa bilis ng hangin.

URI NG BAGYO                 BILIS NG HANGIN           SIGNAL 1. Tropical Depression            below 61 kph                   1 2. Tropical Storm                      62-118 kph                       2 3. Typhoon                               118-120 kph                      3 4. Super Typhoon                  above 220 kph                   4

• Kalimitan, sa tuwing nakakaalinsabay ang bagyo at ang hanging habagat, ito ay nagdadala ng malakas na pagbuhos ng ulan at ito ay nagdudulot ng malawakan at malubhang pagbaha.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Paglindol

A

Iba’t-ibang panganib na maaaring idulot ng lindol:

> ang pagyanig (ground shaking)
ang pagbitak ng lupa (rupture)
ang paglambot ng lupa (liquefaction)
ang pagguho ng lupa (landslide)
tsunami (daluyong)

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Paglindol

A
  1. Pagyanig ng Lupa - Ang paggalaw ng lupa, bahay, at iba pang nararamdaman kapag may lindol; maaari itong magdulot ng pinsala o tuluyang pagguho sa mga gusali.
    > Pagguho ng mga simbahan sa Bohol noong 2013.
  2. Pagbitak ng Lupa - Paglikha ng bagong bitak o muling paggalaw ng mga bitak sa lupa (o fault) na nakapagitan sa dalawang bloke ng lupa na gumagalaw nang palihis o sa magkabilang direksyon
  3. Paglambot ng lupa - Ang pagbabago ng katangian ng lupa mula sa pagiging matigas at solidong buhangin tungo sa pagiging parang likido; dahil dito, ang gusali o bahay na nasa ibabaw ay maaaring tumagilid o lumubog
    > Pagtagilid ng gusali dahil sa “liquefaction” sa Dagupan City, Hulyo 16,1990
  4. Pagguho - Ang pagguho ng lupa at bato sa matarik na bahagi ng bundok sanhi ng pagyanig ng lupa dahil sa lindol.
    > Mga pagguho na naganap sa siyudad ng Baguio matapos ang lindol noong Hulyo 1990.
  5. Tsunami - Ang sunod-sunod na pagdating ng alon sa dagat na nalilikha ng isang lindol na ang epicenter ay nasa ilalim ng dagat o malapit sa baybay-dagat.
    > Dingding at bubong ng kubo na tinangay ng tsunami sa Brgy. Malaylay, Lumang Baco, Oriental Mindoro.
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Mga Nararapat Gawin sa Panahon ng Kalamidad sa:
STORM SURGE ( DALUYONG BAGYO )

A

Ang babala ng Storm Surge ay nakapaloob sa PAGASA Severe Weather Bulletin. Ang nakasaad dito:
lahat ng mga residente na nakatira sa mababang bahagi ng baybayin ay pinapayuhang lumipat sa mas mataas na lugar na matitirahan at sumunod sa lahat ng paalaala ukol sa baha na dulot ng daluyong bagyo.

BILANG INDIBIDWAL:
a.) makinig sa kinauukulan, radyo, TV, o internet para sa ulat-panahon mula sa PAGASA at iba pang ahensiya ng gobyerno

b.) maghanda sa posibilidad ng paglikas sa mas mataas na lugar o evacuation center bago magkaroon ng storm surge. Magdala ng mga damit, pagkain, inumin, first aid kit, flashlight at radyong de-baterya

c.) lumikas sa mataas na lugar. Lumayo nang hindi bababa sa 500 metro mula sa patag na baybayin kung direktang dadaan ang bagyo sa komunidad

d.) bago lumikas, suriin ang bahay at kumpunihin ang mahihinang bahagi nito. Isara ang mga bintana at ibaba ang main switch ng kuryente. Ilagay sa mataas na lugar ang mahalagang kasangkapan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Mga Nararapat Gawin sa Panahon ng Kalamidad sa:
PAGBAHA

A

Ang ilan sa mga dahilan ng pagbaha ay
malakas na pag-ulan na dulot ng ng sama ng panahon tulad ng
bagyo, thunderstorm, intertropical convergence zone, monsoon (habagat, amihan), cold front at low pressure area. Ang storm surge at high tide ay nagiging sanhi din ng mga pagbaha.

• Dahil sa lumalalang suliranin sa solid waste na higit na
nagpapaigting sa suliranin sa mabilis na pagbaha o flash floods, pinagtibay ang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act.

PAGASA flood alerts ( rainfall advisory )
> YELLOW RAINFALL - 7.5 mm hanggang 15 mm ng ulan sa susunod na isang oras at inaasahan na magpapatuloy ito.
> ORANGE RAINFALL ADVISORY - 15 mm hanggang 30 mm na buhos ng ulan sa susunod na isang oras
> RED RAINFALL ADVISORY - mahigit 30 mm ang
ulan sa susunod na isang oras, o kung tatlong oras nang malakas ang ulan at umabot na sa 65 mm, nagbabadya na ang baha sa mga pamayanang ito (emergency rainfall)

KUNG MAY BAHALA NG BAHA:
a.) maging handa sa posibilidad ng pagbaha kung patuloy ang pag-ulan. Ang pagbaha ay mangyayari kung ang lupa ay napuno na ng tubig-ulan

b.) Makinig sa radyo o manood sa telebisyon para sa “emergency instructions”

c.) Mag-imbak ng malinis na tubig na tatagal ng tatlong araw sakaling mawalan ng “water supply.”

d.) Ilagay ang mga kagamitan sa mataas na bahagi ng bahay.

e.) Dalhin at isilong ang mga alagang hayop sa mataas na lupa.

f.) Kung kinakailangang lumikas, gawin ito agad nang mahinahon bago malubog sa tubig-baha.

g.) Bago lumikas, ibaba ang “main switch” ng kuryente at isara ang buong kabahayan.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Mga Nararapat Gawin sa Panahon ng Kalamidad sa:
LINDOL

A

Mahalaga na siguraduhing maayos ang pundasyon at pagkakagawa ng mga gusali at bahay upang masigurado na hindi ito agad matitibag. Kailangan ding makiisa sa mga
earthquake drills na ipinapatupad ng lokal na pamahalaan o paaralan upang malaman kung ano ang mga hakbang na maaaring gawin habang nangyayari at pagkatapos
ng isang lindol. Kailangan mas maging handa lalo na kung ang lugar ay malapit sa fault lines na maaaring pagsimulan ng lindol. Kung nakatira naman malapit sa dalampasigan, mahalaga na lumikas agad kung nagbigay na ng babala sa paparating na tsunami ang lokal na pamahalaan.

DOST-PHILVOLCS
> DROP, COVER, and HOLD

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly