KONTEMPORARYONG ISYU Flashcards

1
Q

Ano ang kontemporaryong isyu?

A

• Mga usaping napapanahon na tahasang nakakaapekto sa pamumuhay ng tao.

• Mga pangyayari sa kasalukuyang panahon na marapat na mabigyan ng agarang pansin at solusyon tulad ng mga pangyayaring nauugnay sa usaping politikal, sosyo-ekonomik, at sosyal.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Mga sinasaklaw ng Kontemporaryong Isyu

A
  1. Pangkapaligiran – global warming, pagkasira ng ozone layer, iba’t ibang disaster, isyu sa kalusugan.
  2. Pandaigdigan at lokal na ekonomiya – Globalisasyon (politikal, teknolohikal, sosyo-kultural at ekonomikal), regional integration, migrasyon, kahirapan.
  3. Pangkasarian – gender equality, diskriminasyon
  4. Pananagutang sibiko at Pagkamamamayan – Aktibong mamamayan, karapatang pantao
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Lipunan

A

tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. Hindi nagkakalayo ang mga pagpapakahulugan sa lipunan na ibinigay ng mga sosyologong sina Emille Durkheim, Charles Cooley at Karl Marx.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Ano ang mga bumubuo sa lipunan?

A

Istruktura at Kultura

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan:

A

• Institusyon
• Social Group
• Gampanin / Role
• Status

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Institusyon

A

Ang institusyon ay organisadong sistema ng ugnayan sa
isang lipunan (Mooney, 2011). Ang pagkahubog ng kaasalan at gawi ng bawat isa ay bahagi ng epekto ng mga institusyong bumubuo sa isang lipunan.

Halimbawa: pamilya, simbahan, edukasyon at pamahalaan.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Social Group

A

Tumutukoy ang social group sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. May dalawang uri ng social group: ang primary group at secondary group (Mooney, 2011).

> Ang PRIMARY GROUP ay tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibidwal. Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang.
- Halimbawa nito ay ang pamilya at kaibigan

> Ang SECONDARY GROUP ay binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa. Nagkakaroon ng di-magandang ugnayan ang mga bumubuo sa social group na nagdudulot ng isyu at hamong panlipunan.
- Halimbawa nito ay ang hindi magandang ugnayan
na namagitan sa ilang manggagawa at may-ari ng kumpanya, ito ay maaring magresulta ng pagwewelga

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Gampanin/Role

A

Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga
karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibidwal.

Sinasabing ang mga gampaning ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang
ginagalawan. Ang hindi pagganap sa mga inaasahang gampanin ng isang indibidwal o isang grupo ay maaaring magdulot ng ilang isyu at hamong panlipunan.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Status

A

Ang social group ay binubuo ng iba’t ibang status. Ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay naiimpluwensiyahan ng ating status.

May dalawang uri ng status:
> ASCRIBED STATUS - Nakatalaga sa isang indibidwal simula nang siya ay ipinanganak. Hindi ito kontrolado ng
isang indibidwal

Halimbawa: Kasarian
Si Jaja ay ipinanganak na babae.

> ACHIEVED STATUS - Nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap. Maaaring mabago ng isang indibidwal ang kaniyang achieved status

Halimbawa: Pagiging isang Guro
Si Nho-nho ay naging guro dahil sa kanyang pagsisikap.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

SUMMARY

A
  1. Ang Kontemporaryong Isyung Panlipunan ay naghahatid sa pagkakamit ng kakayahang makaunawa at makapagsuri ang bawat isa ng mga kaalamang may kaugnayan sa mga isyu, at hamong napapanahon na nakakaapekto sa tunguhin ng lipunan at mga bumubuo nito.
  2. Malawak ang saklaw ng usapin ng Kontemporaryong Isyu. Hindi lamang ito nakatuon sa mga suliranin na kinakaharap ng ating lipunan, nauugnay din dito ang mga usapin at kaganapan na nagpapabago at patuloy makapagpapabago sa lipunan na ating
    ginagalawan.
  3. Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalaga ang pag-unawa sa mga istrukturang bumubuo rito maging ang kulturang naglalarawan sa isang lipunan.
  4. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga usaping pandaigdigan at panlipunan ay maghahatid sa makabuluhang pakikibahagi sa usapin na may pag-unawa sa mga kaganapan. Mas nauunawaan na natin
    kung paano kumikilos ang pamahalaan at kung paano tayo makatutugon sa pamahalaan.
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly