Mga Angkop na Hakbang ng CBDRRM Plan Flashcards

1
Q

Mga Ahensya ng Pamahalaan na Responsible sa Kaligtasan ng Mamamayan:

A

• NDRRMC
• PAGASA
• PHILVOLCS
• DOST
• DOTr
• CAAP
• PCG
• PIA
• NGCP
• DSWD
• MMDA
• IATF

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

NDRRMC ( National Disaster Risk Reduction and
Management Council )

A

sangay ng pamahalaan sa ilalim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas, na responsible sa pagtitiyak pag-agap sa mga sakuna at pagbawas sa panganib na dulot ng mga kalamidad.

Nagbibigay ito ng mga update sa mga epekto at hakbang para paghandaan ang mga kalamidad tulad ng bagyo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

PAGASA (Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration)

A

isang ahensiya sa ilalim ng Department of Science and
Technology o DOST (Kagawaran ng Agham at Teknolohiya).

Nagbibigay ito ng real-time o sabay sa kasalukuyang update ng mga babala ukol sa panahon at bagyo.
Nagbibigay ng mga paalala, abiso, at babala tungkol sa maaaring pagbaha, landslides, at iba pang kaganapan na kaakibat ng malakas na pag-ulan o bagyo.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

PHILVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology)

A

ang nagbabantay ng mga aktibidad ng iba’t ibang bulkan. Nagbibigay ng mga babala at paalaala kung may panganib.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

DOST (Department of Science and Technology)

A

nakatutulong sa paghadlang o pag-iwas sa malawakang pinsala ng kalamidad gamit ang makabagong
teknolohiya sa pamamagitan ng Project NOAH.

PROJECT NOAH (Nationwide Operational Assessment of Hazards) - isang programang inilunsad ng DOST para magtatag ng isang programang tumutugon sa pag-agap at pagpapagaan sa mga sakuna, gamit ang mataas na uri ng teknolohiya upang lalong pahusayin ang kasalukuyang geo-hazard vulnerability maps. Inilalatag ng mga mapang ito ang mga lugar sa bansa na malubha kung tamaan ng mga sakuna.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

DOTr (Department of Transportation)

A

ahensiya ng pambansang pamahalaan na nakatoka sa pampublikong transportasyon sa buong bansa.

Nagbibigay ito ng mga update sa lagay ng sistema ng
pampublikong transportasyon sa bansa tulad ng mga biyahe sa himpapawid, karagatan, at kalsada.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines)

A

ahensiyang nasa ilalim ng DOTC na inatasang magpatupad ng mga patakaran ukol sa civil aviation o pagpapalipad ng mga sibilyan ng sasakyang panghimpapawid.

Nagbibigay ito ng mga ulat sa mga operasyon at problema ukol sa biyaheng panghimpapawid.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

PCG (Philippine Coast Guard)

A

isang ahensiya sa ilalim ng DOTC na nagpapatupad ng kaligtasang pandagat, seguridad, at search and rescue
operations. Nagbibigay ito ng mga babala sa biyaheng pandagat at mga ulat sa operasyon sa mga pantalan.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

PIA (Philippine Information Agency)

A

naglalabas ng update ukol sa relief and rescue efforts sa mga lugar na apektado ng natural na kalamidad.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

NGCP (National Grid Corporation of the Philippines)

A

ang entidad na tinitiyak ang pagbabahagi ng ligtas at maaasahang elektrisidad sa kapuluan ng Pilipinas.

Nagbibigay ito ng mga babala at paalala ukol sa suplay ng kuryente

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

DSWD (Department of Social Welfare and Development)

A

ang ahensiyang responsable sa paghahatid ng serbisyong panlipunan sa mamamayang Pilipino. Pinamumunuan nito ang mga relief operation tuwing may mga kalamidad.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

MMDA (Metropolitan Manila Development Authority)

A

nagbibigay ng sabay sa panahong ulat sa lagay ng mga kalsada sa Metro Manila; tumulong din sa pagkontrol ng mga baha sa Metro Manila.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases)

A

naitatag sa bisa ng Executive Order No. 168 in 2014 sa ilalim ng panungkulan ni dating Pangulo Benigno Aquino.

Ang pangunahing tungkulin ay mag-assess, monitor, ma-contain makontrol at mapigilan ang pagkalat ng
anumang may potensyal na maging epidemya sa bansa.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly