PAGPAPAYAMAN AT PAG-OORGANISA NG DATOS SA CHARACTER SKETCH Flashcards
1
Q
CHARACTER SKETCH
A
Isang anyo ng sanaysay na naglalarawan
o nagsasalaysay tungkol sa isang tao, hayop, bagay,o lugar tungo sa isang impresyon o kakintalan, o kaya ay insight o kabatiran.
2
Q
CHARACTER SKETCH
A
- Nagsisimula sa paghahanay ng mga naoobserbahang datos tungkol sa paksa, at pagkatapos, pinatitingkad ang isang mas malalim o hindi lantad na katangian nito.
- Binibigyang-diin nito ang character o mga katangiang panloob na tinataglay ng isang indibidwal o bagay.
3
Q
CHARACTER SKETCH
A
- Kung tao ang paksa, hindi natatapos ang sanaysay sa paglalarawan ng pisikal na katangian. Patungo ang sanaysay mula sa mga kongkretong datos patungo sa isang abstraktong kaisipan.
- Kung hayop naman ang paksa, maaaring ang kaya-ayang ugali nito.
- Para sa bagay, maaaring personal na silbi nito sa tao; at sa lugar, maaaring ang natatanging kahalagahan nito sa isang pamamamayan.
4
Q
PAGPILI NG PAKSA
A
- Pumili ng paksa sa pamilyar sa manunulat.
- Pumili ng paksa na makabuluhan sa lipunan.
5
Q
Pumili ng paksa sa pamilyar sa manunulat.
A
- Tandaan na ang character sketch ay hindi lamang paglalarawan ng panlabas na katangian ng paksang naplili kundi maging ang panloob na katangian nito.
- Para magawa ito, kailangang kilalang-kilala ng manunulat ng paksa upang mapalitaw niya ang katangian o kalikasan ng paksa na maaaring hindi madaling makita ng iba.
6
Q
Pumili ng paksa na makabuluhan sa lipunan.
A
- Ang ibubungang sanaysay ay kailangang magkaroon ng silbi sa higit na nakararaming mambabasa o sa lipunan.
- Maaari ang paksa tungkol sa tao, hayop, o lugar.
7
Q
Pagpaparami ng Datos sa Character Sketch
A
Dalawang aspekto ng pagsusulat ang mahalaga sa
character sketch:
- Ang kasapatan ng datos.
- Ang orgnisasyon o pagsasaayos ng mga datos na ito.
8
Q
Pagpaparami ng Datos sa Character Sketch
A
- Paglilista
- Inililista ang anumang salita o parirala na may kaugnayan sa paksa.
- Ang mahalaga, isulat lamang ang lahat ng detalyeng pumasok sa isip habang naglilista
- Pagmamapa
- Ang Pagmamapa ay tulad din ng paglilista.
Isinusulat din and mga salita o parirala na may
kaugnayan sa paksa. Ang kakaiba lamang, ay
mas naipapakita sa estratehiyang ito ang
koneksiyon ng mga detalye o aytem sa listahan
sa isa’t isa.
- Malagayang Pagsusulat
9
Q
Proseso ng Paglilista
A
- Sa isang malinis na papel, isulat sa ibabaw ang paksa ng Character Sketch.
- Sa ilalim nito, sumulat ng anumang salita o parirala na pumapasok sa isip kaugnay ng paksa.
- Maaari ding maglista ng mga salita o pariralang may kaugnayan hindi lamang sa paksa, kundi maging sa mga salita o pariralang naililista na.
- Huwag masyadong mag-isip. Iwasan din munang mag-edit. Ang susi sa paggamit ng estratehiya ito ay ang bilis ng paglilista. Ang mahalaga ay ang tuloy-tuloy at mabilisang paglilista.
- Ang paliwanag tungkol sa estratehiyang ito, kapag may presyur sa pagsusulat, tulad ng tuloy-tuloy na paglilista, lumalabas and ilang
impormasyon o detalye nang hindi inaasahan. - Orasan ang paglilista. Gawin lamang ang paglilista sa loob ng limang minuto.
10
Q
Proseso ng Pagmamapa
A
- Sa isang malinis na papel, gumuhit ng isang maliit na bilog sa gitna.
- Sa loob ng bilog ay isulat ang paksa.
- Mula sa isang gilid ng bilog, gumawa ng isang maiksing guhit palayo rito.
- Sa ibabaw ng guhit, sumulat ng salita o parirala na may kaugnayan sa paksa.
- Pagkatapos nito, gumawa naman ng isang maiksing guhit na nakadugtong sa unang guhit.
- Sa ibabaw ng bagong guhit, sumulat ng salita o parirala na may kaugnayan na nakasulat sa unang guhit.
- Muling gumawa ng isang maiksing guhit na maaaring nakadugtong sa una o pangalawang guhit, depende kung saan nakaugnay ang susunod na salita o pariralang maiisip.
- Ulitin lamang ang proseso hanggang sa magsanga-sanga ang mga guhit.