PAGBABAHAGI NG KAALAMAN SA PARAANG PAGBIGKAS: TALUMPATI Flashcards
TALUMPATI
📌 Isang pormal na pagpapahayag ng binibigkas
sa harap ng manonood o tagapakinig.
📌Pormal dahil ito ay pinaghahandaan.
📌Gumagamit ng piling wika at may tiyak na layunin.
📌Maaaring ituri ang pampublikong pagpapahayag tulad ng address, natatanging
panayam o lektura, o susing talumpati
Tatlong Yugto sa Proseso ng Pagsulat
ng Talumpati:
Paghahanda
Pananaliksik
Pagsulat
Paghahanda
- Layunin ng Okasyon
- Maaaring magbigay ng inspirasyon sa mga
estudyante. - Mahalagang alamin ang tagapagtalumpati ang layunin ng pagdaraos ng okasyon.
- Dapat alamin at unawain ang tagapagtalumpati para maiayon niya ang kaniyang talumpati sa paksa o temang ito.
- Layunin ng Tagapagtalumpati:
- Kung siya lang ang magsasalita, baka siya ang maging focus ng auction.
- Ang nilalaman, haba, at tono ng talumpati ay dapat na iayon sa layuning ito.
- Higit sa isang tagapagsalita, kailanagan tiyakin ng
tagapagtalumpati ng espesipikong papel niya o okasyon. - Kung magpapakilala, dapat maisentro niya ang kaniyang talumpati sa tema.
- Manonood
- Ang manonood ay hindi lamang tagapakinig kundi ang pangunahing salik na nilalaman at estilo ng talumpati.
- Inaalam ang tagapagtalumpati ang dami ng
manonood. - Isaalang-alang ang mga salik na ito para makabuo ng talumpating mabisa at makakauugnay sa
- Tagpuan ng Talumpati
- Tumutukoy sa lugar, kagamitan, oras, at daloy ng
programang kapapalooban ng talumpati. - Mahalagang makita o mausisa man lamang ang
kondisyon ng lugar na pangyayarihan ng
pagtatalumpati - Alamin din hindi lamang ang eksaktong araw at oras ng patatalumpati, kundi maging oras ng buong programa
Pananaliksik
Bahagi ng proseso sa pagbuo ng plano,
pagdebelop ng paksa o tema, patitipon ng
mga materyal sa pagsulat ng talumpati, at
pagsulat ng balangkas ng talumpati
Pagbuo ng Plano
Isaisip na maraming iba’t ibang paraan o estratihiya ng pagdebelop ng isang paksa o tema
Pagitipon ng Materyal
Ang mga materyal na ito ay maaaring mga nakalimbag na materyal tulad ng aklat, artikulo, at
panitikan; maari din hindi nakalimbag na materyal tulad ng mga panayam o mga kwento. Maari din materyal na audiovisual
Pagsulat ng Balangkas
Ito ay magbibigay ng direksyon sa pagsulat. Kung wala ito, malamang na malunod ang susulat ng
talumpati sa dami ng materyal, at mabunga ng isang maligoy na talumpati. Maari ding makita kung ano pang bahagi ang kulang sa datos, at kung gayon, kailangan pa ng dagdag na materyal
Pagsulat
Dalawang malaking proseso ang mahalagang
isaalang-alang sa yugtong ito: ang mismong
pagsulat ng talumpati at ang pagrerebisa
nito
Pagsulat ng Talumpati
Mga Gabay sa Pagsulat:
📌Sumulat gamit ang Wikang Pabigkas
📌Sumulat sa Simpleng Estilo
📌Gumamit ng ibat ibang estratehiya at kumbensiyon ng pagpapahayag na pagbigkas. E.g. Pagbibiro, Paggamit ng kwento
📌Gumamit ng angkop na mga salitang
pantransisyon.
📌Huwag piliting isulat agad ang simula
at katapusan ng talumpati.
Pagrerebisa ng Talumpati
Sa yugto ng pagrerebisa, mahalaga ang..:
📌Paulit-ulit na pagbasa
📌Pag-ayon ng estilo ng nakasulat na talumpati sa paraang pagbigkas.
📌Pag-aangkop ng haba ng talumpati sa ibinigay na oras.