ETIKA SA GAWAING AKADEMIKO Flashcards
ETIKA
- Mga tuntunin o patnubay na gumagabay para
mag-isip, kumilos, at manindigan sa kung ano
ang tama at mabuti sa buong proseso ng
saliksik. - Binibigyang-diin dito ang saliksik dahil isa ito sa
pangunahing gawaing akademiko
ILANG ETIKAL AT DI-ETIKAL NA
PRAKTIKA SA SALIKSIK
- Pangangalap ng Datos
- Pagsulat ng Saliksik
- Presentasyon ng Saliksik
PANGANGALAP NG DATOS
Di-Etikal
- Nagpapanggap o nagpapaki- lala ng ibang identidad para makumbinsi ang informant na lumahok sa isang saliksik.
- Gumagamit ng mga hindi tapat na paraan para mahikayat ang mga informant na sumali.
- Nagsasagawa ng saliksik nang walang malinaw o pormal na pagsang-ayon ng mga informant sa saliksik
PRESENTASYON NG
SALIKSIK
Di-Etikal
- Pinapalitaw na ang isang saliksik ay sariling trabaho lang gayong ang totoo ay produkto ito ng kolaborasyon
- Nagsusumite ng isang saliksik sa iba’t ibang publikasyon
- Nagpapalit ng pamagat at/o ilang bahagi ng saliksik para palitawin na may bagong saliksik
PRESENTASYON NG
SALIKSIK
Etikal
- Kilalanin ang lahat ng nakibahagi sa pagbuo ng saliksik-maaaring sa pagpapakilala ng mga awtor o sa pagkilala o acknowledgments
- Isang beses lamang dapat mailathala ang isang buong saliksik.
- Maging malay sa konsepto ng self-plagiarism. Ito ang paggamit ng sariling gawa na una nang nailathala nang walang angkop na paliwanag o dokumentasyon
PLAGIARISM O
PAMAMALAHIYO
- Pagkopya ng mga pahayag, pangungusap, talata, at baha-bahagi ng sinulat ng iba nang walang permiso o kaukulang dokumentasyon
Plagiarism
- Pagnanakaw ng impormasyon o ideya na galing sa ibang mananaliksik o manunulat
KARANIWANG HALIMBAWA NG
PLAGIARISM
- Pagpapahayag ng isa o ilang pangungusap
gamit ang sariling pananalita nang walang
pagkilala sa pinagmulan - Pagbubuod o paglalagom ng isa o Ilang talata nang walang pagkilala sa pinagmulan
- Eksakton g pagkopya (verbatim) ng isa o ilang
pangungusap o talata na hindi inilagay sa loob
ng panipi at walang pagkilala sa pinagmulan - Pagsasalin sa wikang Filipino ng isa o ilang
pahayag, pangungusap, o talata na nakasulat
sa ingles o ibang wikang banyaga nang walang
pagkilala sa pinagmulan
PAG-IWAS SA
PLAGIARISM
- DOKUMENTASYON
- Pagbibigay ng impormasyong tungkol sa awtor, sulating pinagkunan ng ideya, at paglalathala.
Impormasyon tungkol sa awtor
- pangalan ng awtor
- papel sa sulatin: kung awtor, editor, o tagalasin
Impormasyon tungkol sa sulating pinagkunan ng
ideya
- pamagat ng artikulo
-pamagat ng aklat
-kalikasan ng sulatin
Impormasyon tungkol sa paglalathala ng sulatin
-lugar na pinaglathalaan
-tagapaglathala
-taon ng paglalathala
SISTEMA O FORMAT NG
DOKMENTATION
- Chicago Manual Of Style
- ginamit sa maraming larangan. - Modern Language Association
- karaniwan sa humanidades - American Psychological Association
- ginamit sa agham panlipunan, edukasyon, at
business. - Council of Science editors
- ginamit sa biological sciences - American Medical Association
- biomedical sciences, medicine nursing, at dentistry - American Chemical Society
- karaniwan sa Chemistry. - American Mathematical Society
- matematika at computer sciences - Institute of Electrical and Electronics Engineers at ASCE
- karaniwan engineering
TATLONG PANGUNAHING FORMAT/CITATION
- Chicago Style Citation
Lumbera, Bienvenido L. Tagalog Poetry, 1570-1898: Tradition and Influences in
Its Development. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1986.
- MLA Citation
Lumbera, Bienvenido L. Tagalog Poetry, 1570-1898: Tradition and Influences in
Its Development. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1986. Print
- APA Citation
Lumbera, B. L. (1986). Tagalog poetry, 1570-1898: Tradition and influences in Its
Development. Quezon City: Ateneo de Manila University Press
Maaring gumamit ng sanggunian para
masundan ang tama at angkop na format.
Aklat
Artikulo sa journal
Sangguniang aklat
Pahayagan o Magazine
Hindi nakalimbag na papel
Tesis o disertasyon
Ensiklopedya
Interbiyu
Email
Lektyur
MGA DAHILAN NG PAGGAMIT NG
DOKUMENTASYON
- Kilalanin at pahalagan ang awtor ng mga ideya at sulating ginamit sa sariling sulatin o pag-aaral
- Ituro sa mga mambabasa ang pinagmulan ng mga impormasyon o pahayag
- Maipakilala ang mga pinagmulan ng datos, impormasyon, at ideyang ginamit sa pagbuo ng sariling pag-aral.
KAALAMANG NATATANGI AT
PAMBALANA
- Hindi talaga namin kailangan ang lahat ng impormasyong nakuha mula sa iba dahil ito ay Karaniwan, ang kaalaman o dokumentasyon na hindi kailangan. ito ay maaaring tumukoy sa impormasyong alam na ng marami.
- samantala ang mga datos o impormasyon na bunga ng orihinal na saliksik o ang mga pahayag o ideyang nabuo dahil sa sariling pagsusuri sa mga datos ay kailangang kilalanin sa pamamagitan ng angkop na dokumentasyon o pananaliksik
ILANG PRINSIPYO NG ETIKA NG SALIKSIK
A. PANANAGUTAN NG MANANALIKSIK
- “Obligasyon”
- Tiyakin ang kaligtasan, kapakanan at karapatan ng mga informant at iba pang isinasangkot sa
pananaliksik. - Patunayan sa mga mambabasa na ang mga sulatin ay may tiyak at mapagkakatiwalaang batayan.
- Pangalagaan ang integridad ng gawaing , na
mapapatunayan na isa itong maasahan at
mapagkakatiwalaang paraan ng pagtuklas at pagbuo ng kaalaman.
B. KAPAKANAN NG MGA INFORMANT SA
PANANALIKSIK
- Kailangang tiyakin na mapapangalagaan ang
karapatan, kapakanan, at kaligtasan ng mga
taong isinasangkot sa saliksik.
- Hindi dapat malagay sa alaganin o panganib,
hindi dapat malabag ang karapatan o
makompromiso ang kapakanan ng mga taong
masasangkot sa saliksik.
C. KATAPATAN SA PANANALIKSIK
- Maging matapat sa lahat ng aspekto ng saliksik
- Hihingi rin sa mananaliksik na maging matapat sa
mismong proseso ng saliksik bilang paraan ng
pagtuklas at pagbuo ng kaalaman.
ILANG PRINSIPYO NG ETIKA NG SALIKSIK
A. PANANAGUTAN NG MANANALIKSIK
- “Obligasyon”
- Tiyakin ang kaligtasan, kapakanan at karapatan ng mga informant at iba pang isinasangkot sa
pananaliksik. - Patunayan sa mga mambabasa na ang mga sulatin ay may tiyak at mapagkakatiwalaang batayan.
- Pangalagaan ang integridad ng gawaing , na
mapapatunayan na isa itong maasahan at
mapagkakatiwalaang paraan ng pagtuklas at pagbuo ng kaalaman.
B. KAPAKANAN NG MGA INFORMANT SA
PANANALIKSIK
- Kailangang tiyakin na mapapangalagaan ang
karapatan, kapakanan, at kaligtasan ng mga
taong isinasangkot sa saliksik.
- Hindi dapat malagay sa alaganin o panganib,
hindi dapat malabag ang karapatan o
makompromiso ang kapakanan ng mga taong
masasangkot sa saliksik.
C. KATAPATAN SA PANANALIKSIK
- Maging matapat sa lahat ng aspekto ng saliksik
- Hihingi rin sa mananaliksik na maging matapat sa
mismong proseso ng saliksik bilang paraan ng
pagtuklas at pagbuo ng kaalaman.