PAG UNAWA SA PAKSA AT PAGTITIPON AT PAG-OORGANISA NG DATOS: PAGSULAT NG ULAT Flashcards
REPORT (ulat)
ay anumang anyo ng pagpapahayag, maaaring pasulat o pabigkas, na ang pangunahing layunin ay magpaabot ng makabuluhang impormasyon sa mambabasa, manonood, o tagapakinig.
MGA HALIMBAWA NG REPORT
- Mapagsiyasat na Ulat (investigative report)
- Taunang Ulat (annual report)
- Ulat Panahon (weather report)
- Ulat ng Pulis (police report)
- Siyentipikong Ulat (scientific report)
PAARALAN
Ang ulat ay madalas na nakasentro sa isang
paksa at may layuning magbigay ng makabuluhan, kapaki-pakinabang, napapanahon, at mapagkakatiwalaang impormasyon sa kanilang mga kaklase
Definition of Terms:
Makabuluhan (Relevant) - Ang mga datos o impormasyon ay may kaugnayan sa paksa.
Kapaki-pakinabang (Useful) - Ang mga datos ay may kinalaman sa buhay ng mga babasa o makikinig.
Napapanahon (Timely) - Ang mga datos ay bago, o kung luma man, makatwiran ang paggamit ng
gayong datos
Mapagkakatiwalaan (Reliable) - Ang mga datos ay nagmula sa mga pangunahin at pagkakatiwalaang sanggunian.
Mga Gabay Upang Makabuo ng
Malinaw at Maayos na Ulat
- Unawaing mabuti ang paksa
- Tiyakin ang paramento o mga hangganan ng ulat
- Kumuha lamang ng impormasyong may kinalaman sa paksa
- Umisip ng pinakapayak ngunit pinakamabisang paraan ng presentasyon ng ulat
- Tiyakin na may maibabahaging bagong impormasyon
- Gumamit ng mga pantulong na materyal
- Gumamit ng angkop na sistema ng dokumentasyon
Unawaing mabuti ang paksa
Tukuyin ang mga susing salita o konseptong nakapaloob sa paksa at bigyang depinisyon o ipaliwanag ang mga ito
Tiyakin ang paramento o mga
hangganan ng ulat
Kung malawak ang paksa, tiyakin din kung anong bahagi o aspekto nito ang inuulat
Kumuha lamang ng impormasyong
may kinalaman sa paksa
- Magpokus lamang sa paksa o sa parametrong dapat iulat
- Iwasang matukso na ipaloob sa ulat ang lahat ng interesanteng impormasyon na mababasa o masasaliksik
Umisip ng pinakapayak ngunit pinakamabisang paraan ng presentasyon ng ulat
Karaniwang disenyo ng presentasyon ang sumusunod:
- Konsepto-halimbawa
- Sanhi-Bunga
- Sitwasyon-Dahilan
- Problema-Solusyon
- Produkto-Proseso
- Paglalahad ng kasaysayan ayon sa takbo ng panahon
- Introduksiyon-metodo-resulta-pagtalakay
Tiyakin na may maibabahaging bagong impormasyon
Iwasan ang basta paggamit ng mga materyal na pang- general reference lamang tulad ng encyclopedia o diksiyonaryo, o ang hindi makatwirang paggamit ng internet
Gumamit ng mga pantulong na materyal
Biswal na representasyon:
- Larawan
- Tsart
- Talahanayan at pigura
Kung bibigkasin ang ulat:
📌Video
📌Audio material
Gumamit ng angkop na sistema ng dokumentasyon
a. Bigyang-pagkilala ang mga pinagkunan ng impormasyon
b. Mapatunayan na mapagkakatiwalaan ang sanggunian
c. Maituro ang babasa o tagapakinig sa
materyal kung gusto pa nila ng karagdagang impormasyon